Marvin Agustin has proven that anyone can be successful in his chosen endeavor once he puts his heart into it—and he calls it passion. He considers his ventures not as a business but an opportunity to help the unemployed and provide them direction.

Photo: Allan Sancon

Patuloy na itinatanggi ni Marvin Agustin na isa siya sa pinakamayamang artista sa local showbiz dahil sa pagkakaroon niya ng restaurants na nagkalat sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

Kapag pinalalabas na ni Marvin sa mga press na subsob siya sa trabaho, ang dating ay hindi pa kuntento ang aktor sa kanyang kayamanan.

“No, alam n’yo naman, di ba?

“Before, I used to work for the money, now I work because I’m passionate about this. 

“Ang sarap lang na sa negosyo namin, ang dami mong natutulungan. 

“Everytime you open a restaurant, mag-e-employ ka at marami kang pamilyang natutulungan. It’s more on that.

“At masarap ring mag-guide yung mga employees mo sa kumpanya, yung hanapin yung direksiyon nila sa buhay,” paliwanag ni Marvin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

JUST ENOUGH. Nilinaw ni Marvin na hindi naman ganun malaki ang kinikita niya sa kanyang restaurant.

Aniya, “Yung sa restaurant, hindi naman siya gano’n kalaki,  honestly, kasi you keep on expanding, e. 

“So, yung investment namin, kumakalat sila. Kaya hindi pa kami nakakapag-return of investment agad-agad. 

“Nasa expansion level kami. Right now, we have 24 stores, iba-ibang branch na.

“Yung kinikita ko sa showbiz, napupunta 'yan sa mga bata, sa gastusin sa bahay, ganun.”

Secured na ang kinabukasan ng kanyang kambal—ang six years old nang sina Santiago at Sebastian.

“That’s one thing I made it sure. 

"Kasi, yun yung gusto kong alagaan—yung edukasyon nila.