Sa listahan daw ng mga kuripot sa showbiz ay hindi puwedeng mawala ang pangalan ni Marvin Agustin.
Ano ang reaksiyon dito ni Marvin?
“Hindi naman ako kuripot, praktikal lang… O, di ba, may term? Alam kung paano sasagutin?” natatawang sabi ng actor-entrepreneur.
Pero dugtong niya, “Sinasabi ko naman kasi sa kanila na may tamang panahon para gastusin mo ang ganitong bagay, di ba?
“Parang may tanong nga sa amin, e, bakit raw hindi ako nagsi-share o nagdu-donate. Mga ganyan-ganyan.
"Those things I do but I don’t announce those anymore.”
Ano yung mga pagkakataong gumagastos o naglalabas siya ng pera para sa sarili niya o sa mga taong mahal niya?
“Sa mga bata… sa school nila, sa education nila.
“Mahal ang eskuwelahan nila kasi international school, 'tapos dalawa nang dalawa. So, times two na yun!”
ENDORSEMENTS. May potential na maging commercial endorsers ang kambal ni Marvin, pero kapansin-pansin na wala pang nagagawang TV ad ang mga ito.
Tumatanggi ba si Marvin sa mga TV ad offers?
“Yung mom nila, parang mas ano, e… sabi niya, ‘High profile na nga ako, yung mga anak ko na naman.’
“Sabi niya, ‘Saka na lang, hindi naman mawawala yun.'
“Partnership namin ito ng mom nila.
“Whatever her decision, yun na rin ang sinusunod ko," paliwanag niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS