Marvin says he makes it a point to spend time with his kids. With skype and the internet, Marvin is now able to keep in touch, virtually, with his children. He relates: “Nasasanay na kasi sila kapag out of the country ako so, kahit nasa Manila ako, pag nai-skype kami, akala nila nasa abroad pa rin ako." 

 

Photo: Noel Orsal

“Nagkakasama kami minsan ‘pag dinner o ‘pag ipinapasyal yung mga bata.”

Tuwing weekends lang daw nakakasama ni Marvin ang kanyang mga anak, pero ngayong nalalapit na ang showing ng pelikula niyang Moron 5 and The Crying Lady, may mga weekends na hindi niya nakakasama ang mga anak.

“Naiintindihan naman nila, kasi sinasabi ko naman sa kanila na ganito yung work ko.”

MOVIES VS TV5 OFFER. Pagdating naman sa kanyang TV career, inamin ni Marvin na may offer sa kanya ang TV5.

“Oo, hindi ko naman puwedeng sabihing wala.

“Pero nasa point ako ngayon na parang parang gusto ko munang mag-pelikula. 

“May gagawin akong isa pang movie, 'tapos nagpu-produce ako ng TV show with TV5 [Kanta Pilipinas]. 

“Parang masyado akong malu-lose focus ako kung magsu-soap ako ngayon. 

“So, siguro magsu-soap ako ‘pag pa-third quarter na ng taon," sabi niya.

MADONNA CONCERT. Nagbigay rin ng pahayag si Marvin tungkol sa balitang production company raw nila ang magdadala kay Madonna dito sa Pilipinas.

“Gusto namin… 'eto na yung statement ko para hindi nakakalito…

“Gusto namin, pero hindi pa ngayon dahil medyo mahal pa at saka wala na siyang available time this year. 

"Gusto talaga namin… we had talks pero I can’t confirm when…

“Ang mahal nga lang, sobrang mahal!” bulalas niya.

Dagdag niya, “Pero may dadalhin kami, hindi pa one hundred percent confirm.