Ang afternoon soap ng GMA-7 ang ikalawang pagtatambal nina Mark Herras at Kris Bernal sa telebisyon.
Una silang naging magkapareha sa primetime dance-serye na Time of My Life noong isang taon.
Kaya naman hindi nakapagtataka kung mas kumportable na sa isa’t isa ang dalawang StarStruck winners bilang magka-loveteam.
Sabi nga ni Mark, “Dun sa loveteam namin ni Kris, we’re doing good. Nae-enjoy namin yung loveteam namin.
“Nae-enjoy naming dalawa na walang nagagalit na ibang tao.
“And dun naman sa personal life namin, wala namang nagre-react.
“So, maganda… maganda yung nangyayari dun sa tandem ng Mark and Kris.
“At siguro, mas naa-appreciate ng mga tao yung loveteam [namin] ngayon dahil ‘eto, hindi sila maguguluhan, e.
“I mean, makikita nila puro drama lang, walang sayaw. So, mas mapapansin nila.”
Ang tinutukoy ni Mark ay ang dance numbers nila noon ni Kris sa Time of My Life.
KRIS BERNAL. Ang orihinal at kauna-unahang ka-loveteam ni Mark ay ang kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.
Sila ang nanalo sa first batch ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck.
Matagal na panahon na sila ang pinagtatambal ng GMA-7 sa mga proyekto nila sa TV; kahit na noong nagwakas na ang relasyon nila bilang magkasintahan.
Pero noong isang taon ay sinubukan nga ng Kapuso network na itambal si Mark kay Kris Bernal sa Time of My Life.
Kinagat naman ng mga tao ang tambalan nila kaya nasundan ito agad ng panibagong proyekto—ang afternoon soap na Hiram Na Puso.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark kung paano niya ikukumpara ang tambalan nila noon ni Jennylyn sa tambalan nila ngayon ni Kris.
Aniya, “Well… iba kasi yung kay Jen, e. Iba talaga yung kay Jen.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 Paradigm
10 batangkumon
9 merlion_25
8 ka_epal
7 eiram48
6 eiram48
5 Honey_1046
4 pagasahinatuan
3 pagasahinatuan
2 pagasahinatuan
1 pagasahinatuan