Krista Kleiner on status of relationship with Jay-R: “Technically speaking, yes, we are single. Pero who knows? We were together for a long time and kung maayos man, may pag-asa naman siguro, ‘cause we’re talking to each other, ganyan. But we’ll see na lang.”

Photo: Monching Jaramillo

Magkasamang dumating sina Jay-R at Krista Kleiner sa Urban Music Awards ng Wave 89.1 na ginanap sa Palladium ng New World Hotel noong Miyerkules, Marso 28.

Bale ito ang first public appearance na magkasama silang dalawa pagkatapos mapabalitang winakasan na nila ang kanilang relasyon.

Nagulat si Jay-R nang nakunan sila roon ng Startalk kaya umatras ang singer at tumangging magpa-interview.

Hindi naman niya iniwan si Krista nang subukan kapanayamin ng Startalk at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating beauty queen.

“No comment na lang, we really don’t talk about it,” mabilis na sagot ni Jay-R nang tinanong silang dalawa kung talagang break na nga sila.

Sabi naman ni Krista, “We’re working things out so let’s leave it that na lang.”

Ayon kay Krista, pinili nilang manahimik nang pumutok ang balita tungkol sa kanilang breakup dahil apektado sila sa naturang desisyon.

Ilang araw rin daw siyang nagkasakit.

Iyon lang din daw ang araw na nagkausap sila uli ni Jay-R at pinipilit na maayos kahit maging magkaibigan na lang sila.

Ayon kay Krista, “Medyo fresh pa yung mga nangyari kaya sana po maintindihan po kami ng mga tao na hindi pa kami handa na ikuwento masyado.

“Pero as you can see, we’re doing our best to work out whatever happened.

“We came here with a group of friends and, yun nga, whatever happened, we’re trying to step and move forward.

“So, yun na lang po, sana maintindihan ng mga tao na we just wanna leave it at that.

“And we’re here trying to work things out, because we care about each other and sana ipagdasal na lang po kami ng mga tao that we can figure things out.”           

Nanatili namang tahimik si Jay-R sa tabi ni Krista. Wala raw siyang masasabi kaya tahimik lang siya.