Has Erich Gonzales become "big-headed?" It all started with a rumor saying she had fired her personal driver, which the young actress vehemently denied. It turned out the driver had taken a short vacation to attend to some domestic matters.

Photo: Elli Alipio

May lumabas na isyu tungkol sa diumano'y paglaki ng ulo ng  young aktres na si Erich Gonzales. Nakarating naman agad sa kaalaman ng bida ng box office movie na Corazon, Ang Unang Aswang ang nasabing isyu.

Natawa na lang si Erich nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono isang araw before tumulak ang grupo ng mga Star Magic Talents for a series of shows abroad.

"May gano'ng isyu pala sa akin. Hindi ko alam 'yan!" Maiksing tugon niya.

Ayon pa sa Cebuanang aktres, walang katotohanan ang isyu at hindi rin totoo ang lumabas na tsismis na pinalayas niya ang kanyang driver at pinagmumura raw niya ito nang husto.

Ayon naman sa mensaheng natanggap namin mula sa kampo ni Erich ay nagugulat na lang daw  ang aktres sa tsismis. Nasa poder pa rin daw ni Erich ang sinasabing pinalayas na driver.

Namatayan lang pala ng anak ang naturang driver kaya nagpaalam ito kay Erich na hindi makakapasok nang ilang araw.

"'Yung ibang tao, kasi dyan, walang magawa kung ‘di ang manira ng kapwa nila," ang sabi ng isang malapit kay Erich.

“Napakabait na bata ni Erich. Totoong minsan nagagalit 'yan pero natural din naman sa atin 'yan.

“Pero yung magmumura sa driver at katulong, e, hindi si Erich yun!"

In fairness, kay Erich, isa siya sa mga artistang hindi nakitaan ng pagbabago. Kung ano ang pagkakilala sa kanya nung baguhan ito, ganun pa rin siya hanggang sa ngayon.

Incidentally, masayang-masaya naman si Erich sa takbo ng career nila ng paborito niyang leading man na si Echong Dee.

Kahit hindi na sila ang magkakapareha sa mga ginagawang projects, hindi raw nila ito dapat ipagtampo sa network.

“Siguro sa mga teleserye siyempre, I’ll miss Enchong.

“Hindi muna kami makagawa ng teleserye  sa ngayon but still, may ASAP pa rin naman kami.

“Linggo-linggo pa rin naman kaming magka-kasama sa programang yun.