Louise delos Reyes on talks that she's pregnant: “Definitely no! Hahaha!  Natatawa na lang ako ‘pag naririnig ko na buntis daw ako… ganyan… ‘tapos sobrang payat ko… ‘tapos napagkakamalan pa ako na may sakit."

Photo: Noel Orsal

Hindi man aminin nang tuwiran ni Louise delos Reyes, isa sa GMA Artist Center tween star, ay obvious na obvious na may relasyon na sila ni Enzo Pineda, ayon na rin sa mga binitawan niyang mga salita.

Mas maganda raw kung si Enzo ang aamin sa kung ano ang tunay nilang relasyon, pakiusap ni Louise sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong solo pocket interview na ginanap sa 17th Floor ng GMA Network Center.

Ngayon daw ay mas focused si Louise sa kanyang career dahil bukod sa kanyang regular show sa Kapuso network, may isa pa siyang pelikulang gagawin kasama sina Kristoffer Martin, Enzo Pineda, at Teejay Marquez.

“Bukod sa  My Beloved, may  gagawin po akong movie ulit, horror po siya e, under GMA Films, yung Basement.”

Anong role niya dun?

“So far po, ‘di ko pa po alam e.

"‘Di ko pa sure kung ano talaga binigay para sa ‘kin saka ‘di pa po kami nag-i-start, after Holy Week po ‘ata, e.”

FATIGUE. Marami ang nagsasabi na may malubha raw na sakit si Louise dahil madalas siyang nahihimatay.

“Hihihi! Malubhang sakit? Talaga? Hihihi! Natawa naman ako dun!

“Hindi po totoo yun!  Sobrang pagod na rin kasi nung last time, nahimatay ako.

“Galing ako sa taping ng My Beloved, ‘tapos umuwi lang ako sa ‘min para maligo.

“’Tapos my taping ng Spooky Night, ‘tapos umuwi lang ako para maligo, ‘tapos taping ulit ng  My Beloved.

“Sunod-sunod na araw yun, ‘tapos my rehearsal pa ako sa Party Pilipinas, bale technical, na umaabot ng hanggang umaga, kaya ‘di ko  masisisi yung katawan ko kung sumuko siya sa sobrang pagod.”

Wala bang lugar na pahingahan during breaks kung kinakailangan?

“Nakakatulog naman po ako, kaya lang po yung taping po kasi ng My Beloved dun sa area na yun, puro ako ang kinukunan, so, ‘di din po ako nakakapagpahinga.”