news

Nadine Samonte on Katrina Halili's pregnancy: “Hindi na siya problemado, hindi na siya stressed, feeling ko sobrang blessing iyon para sa kanya.”

by Rommel Gonzales posted on March 31, 2012  STATS: 17529 Views | 7 Comments

Nadine Samonte (in photo) is in the cast of the remake of Valiente, which had moved to a later time to give way to Nandito Ako, which stars David Archuleta. When the latter serye ended, Valiente returned to its original time slot on TV5.

Photo By: Noel Orsal

Nakausap namin ang aktres na si Nadine Samonte kahapon, March 30, Biyernes sa taping ng Valiente, ang primetime series ng TV5.

Una naming itinanong ay kung ano ang naging damdamin ni Nadine sa paglipat ng time slot ng Valiente to give way to Nandito Ako na mini-serye ni David Archuleta?

“Hindi ko nga alam na lumipat ng time slot e,” natatawang sinabi ni Nadine. “Nalaman ko lang sa fans," ang sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi sila sinabihan?

“Ako hindi,” sabay-tawa ulit ni Nadine.

Si JC de Vera na male lead star ng Valiente, nalungkot; si Nadine?

“Nalungkot ako kasi hindi ko alam, nalaman ko sa fans tapos doon ko lang nalaman nung kinonfirm ko. Parang nakakalungkot lang na wala kaming alam.”

At ngayong tapos na ang Nandito Ako, ibinalik na ulit sa dating time slot na mas maaga ang Valiente.

“Hindi ko rin alam na ibinalik na,” ang natatawang reaksyon ni Nadine.

Samantala, masaya si Nadine na kasama sa teleserye si Tirso Cruz III.

Original cast member ng Valiente twenty years ago si Tirso kasama si Michael de Mesa na nasa 2012 remake din ng naturang serye.

“Happy, kasi nakatrabaho ko na si Tito Tirso sa Endless Love, tatay ko siya. So okay naman, masaya.”

Nang una silang nagkita ni Tirso sa taping…

“Wala naman, okay lang, bati-batian lang. Kasi hindi ko siya nakaka-eksena. Siya yung kumupkop kay JC.

“Kasi di ba si JC sa istorya, parang na-salvage siya tapos, siya yung tumulong, mayaman siya na may kinalaman siya sa pamilya ng Valiente at Braganza pala noon."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • alimango21

    04/02/2012 | 09:16 AM
    oo nga, she looks 10 years older
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • djelibeybi

    04/01/2012 | 06:29 AM
    ngek! nagbago mukha ni nadine.. nagpabotox teh? sayang... tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    04/01/2012 | 04:53 AM
    wag na maiinggit ang mga nilalang na di mabubuntis, tama ng ka negahan, kung yung magulang nyo ba eh hindi nag ganon eh di wala kayo ngayon...wala sanang mga nega na nag co comment sa pep....lol...have manners and be positive naman sana....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    04/01/2012 | 03:39 AM
    ng nabuntis na lang ba si katrina nawala ang problema nya Nadine? Di sana pagakatapos ni Haydeen nagpabuntis na siya para walang stress.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sweetum

    04/01/2012 | 02:50 AM
    Its a CONSEQUENCE of their action, yong magka baby ka na wrong timing, so I doubt na hindi sila stress, worry at nahihiya sa una, kaso lang sinasabi nalang na BLESSING kasi to lessen the stress. Well, the baby itself is a blessing, but having a baby is a consequence. Everything is permissible but not everything is beneficial.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    03/31/2012 | 10:18 PM
    dami naman excuse ni Nadine, wala syang paki sa mga palabas ng TV5. baka sa Kapuso shows pa rin sya nakatutok. Kitam, alam nya na buntis c katkat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • agusanonko

    03/31/2012 | 08:46 PM
    bakit dati problimado ba cya nadine..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About