Did Hayden Kho Jr. and Dr. Vicki Belo recently go on a date in Italy? “Sino may sabi? Hindi totoo yun. Hindi ako umalis ng bansa. Ang pag-alis ko lang L.A., yun lang," says Hayden (in photo).

Photo: Noel Orsal

“Yes, I’m okay.”

Ito ang matipid na paunang salita ni Hayden Kho Jr. sa eksklusibong panayam sa kanya ng Paparazzi Showbiz Exposed, Sabado, March 31.

Na-corner ng show ang ex-boyfriend ni Dr. Vicki Belo sa opening ng Mango Tree Restaurant sa The Fort, sa Taguig noong March 27.

Matatandaang naging elusive at hindi nagsasalita si Hayden tungkol sa isyung hiwalayan nila ni Dr. Belo, dalawang buwan na ang nakakaraan pati na ang diumano’y ugnayan nila ni Nancy Castiglione.

“Nakita ko siya, nag-usap na kami,” ang tugon ni Hayden sa tanong kung nagkausap na nga ba sila ni Vicki matapos ang kanilang paghihiwalay ng landas.

Sunod na tanong ng segment producer ng show kung totoo nga bang nag-date uli sila ng doktora? Lumabas kasi sa ilang panulat na nagkita na diumano ang dalawa at muli daw sinusuyo ng binata ang dating kasintahan.

"Nag-date daw kayo sa ibang bansa? Sa Italy ba?" tanong ng producer kay Hayden.

Sagot ni Hayden, “Sino may sabi? Hindi totoo yun. Hindi ako umalis ng bansa. Ang pag-alis ko lang L.A., yun lang.”

Sunod na katanungan kay Hayden ay kung may katotohanang niligawan ba niya ulit si Vicki.

Tugon nito, “Akin na lang yung mga ganyang bagay.”

Nang maungkat naman ang tungkol sa kanila ni Nancy Castiglione ay pagtanggi pa rin ang matipid na sagot ni Hayden.

Aniya, “Wala, ewan ko.”

Ayon pa dito, yung mga ganyang isyu ay patay na at hindi na kailangang buhayin pa.