Geoff Eigenmann has always been very secretive about his lovelife. So when PEP asked him if he can relate to his character in Legacy his real-life experience about getting involved with two loves, he just said: “The past is a past!”

Photo: Noel Orsal

Unang nagiging tanong ng press sa mga celebrities kapag ganitong Holy Week ay tungkol sa plano nila sa mahabang bakasyon.

Kaya ito rin ang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Geoff Eigenmann sa Party Pilipinas noong Linggo, April 1.

      

“I’ll just gonna be spending it with my family and of course… with Carla’s family also.

      

“So we’re gonna be going to the beach—sa Batangas lang.

     

“Kasi… though we have other plans, pero hindi matutuloy. 

“So yung quickest way na maka-ano [decide] kami… quick change of location for this Holy Week was Batangas.

      

“Nakahanap kami ng house doon. So there’s gonna be a lot of us.”

      

Ilang days nila balak mag-i-stay sa napili nilang resort?

     

“Three or four days. Gano’n lang, with the family. That’s it basically.

      

“Kahit saan naman kasi ka pumunta ngayon, maraming tao, e!”

      

LEGACY EXTENSION. Isa si Geoff sa primetime series ng GMA-7 na Legacy.

       

Pinag-uusapang magkakaroon ito ng extension, bagay na ikinatutuwa raw ng young actor.

       

“Until May pa kami!" bulalas niya.

“So, ang sarap ng feeling, kasi tuloy-tuloy ang suporta ng fans at ng viewers!

       

“Even people from the other stations say that they watch our show. 

“So that’s always a good thing.

       

“Na kapag tapos na raw yung mga… whatever shows that they watch, pagdating ng Legacy, doon na sila nakatutok.

       

“So that’s always a good thing.”

       

NEW TWISTS AND TURNS. Ano pa ba ang mga nakakasabik na aabangang mangyayari sa pagpapatuloy ng Legacy?

       

“Marami... maraming mangyayari pa!

       

“Of course, with all the characters [nina Lovi Poe, Heart Evangelista, at Alessandra de Rossi] na siyempre magkaka-intertwined-intertwined…

“Hindi alam ng sino kung sino ang gusto talaga nila. Kung kanino mapupunta ang sinuman. Let’s just wait and see!

       

“So, maraming mangyayari pa na mas intense.”

       

REAL LIFE SIMILARITY. Ang character ni Geoff sa Legacy ay ipit siya sa dalawang babae—ang roles nina Lovi Poe at Heart Evangelista—na parehong mahal niya at nalilito kung sino ang mas matindi.

        

May kaparehong sitwasyon na ba si Geoff sa totoong buhay?       

“Wow!” natawa si Geoff.

       

“Things happen! Maybe… maybe not.

       

“The past is a past!” tawa ulit niya.