Derek Ramsay gets support from his talent manager Jojie Dingcong. Jojie hopes that Derek's friends and fans will continue to support him despite his decision not to renew contract with ABS-CBN.

Photo: Noel Orsal

Kasunod ng balita tungkol sa desisyon ng aktor na si Derek Ramsay na hindi na mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN, nagpadala naman ng statement ang manager niyang si Jojie Dingcong sa ilang miyembro ng entertainment press.

Ito ang natanggap na mensahe ng PEP contributor na si Gorgy Rula mula sa talent manager ni Derek ngayong umaga, April 3:

“Yes it’s true that Derek and his family had reached a decision to move to TV5.

“Dutifully, as his manager and friend, I will support fully whatever decision he makes.

“He is grateful for the opportunities the network has extended to him, and in return, he delivered and served the network well.

“I know his fans and friends will continue to support him and his future works, as he pursue and embark on a new chapter in his life’s exciting journey.”

Matatandaan na kagabi, April 2, ay nagpadala rin ng opisyal na statement ang ABS-CBN tungkol sa naging desisyon ni Derek.

Nakasaad dito na sinubukan ng Kapamilya network na kumbinsihin si Derek na manatili sa kanila, subalit may inialok umano ang TV5 na hindi matanggihan ng aktor.

Sa kabilang banda, nang eksklusibong makapanayam ng PEP si Derek kagabi, inamin niya na nabanggit sa kanya ng TV5 ang local adaptation ng reality show na The Amazing Race.

Ito ay matagal nang bali-balitang magiging unang proyekto ni Derek kung sakaling lumipat siya sa Kapatid network

(CLICK HERE to read related article.)

Sa huling bahagi ng panayam ng PEP, sinabi ni Derek na hindi pa siya pumipirma ng kontrata sa TV5.

Muli raw niyang pag-aaralan ang alok ng TV5 pagbalik niya mula sa bakasyon sa Australia.