Panahon na naman ng Mahal na Araw kaya inalam ng PEP kung papaano at saan ipagdiriwang ng ilang celebrities ang mahabang bakasyon.
Narito ang kanilang mga sagot:
Mark Herras – “Baka nasa Laguna kami ng family ko sa Mahal na Araw, magsisimba at bakasyon na rin.”
JC de Vera – “Baka sa La Union kami kasama ng mga kaibigan ko magma-Mahal na Araw.”
Kris Bernal – “Usual, every Holy Week, sa bahay lang kami with my family, nag-o-observe din ng Church activities.”
Yasmien Kurdi – “This Holy Week? Maybe with my friends… Road trip to Bataan… wala kasi kaming Holy Week kasi Iglesia ni Cristo ako."
Sunshine Dizon – “We're planning to visit my dad sa Amerika kasama ang baby ko na si Doreen Isabel and my husband Tim. Doon kami magma-Mahal na Araw at the same time bakasyon na rin. Siguro magsisimba lang kami doon nang sabay-sabay.”
German Moreno – “Noong Holy Monday, nagsimba ako kasama ng iba pang miyembro ng Walang Tulugan sa Our Lady Of Manaoag para magsimba at magpasalamat sa lahat lahat ng blessings na ibinibigay niya sa isang Kuya Germs. Pero ‘pag dumarating kasi ang Semana Santa, nasa bahay lang ako at lumalabas para magsimba.”
Ryza Cenon – “This Holy Week, sa bahay lang po ako, siguro magbi-Bisita Iglesia at magdarasal.”
Assunta de Rossi – “Every year na sa San Carlos Negros Occidental lang ako kasama ang pamilya ko ‘pag Mahal na Araw.”
Edgar Allan Guzman – “Tagaytay po ako kasama ang pamilya, doon po kami magma-Mahal na Araw.”
JC Tiuseco – “Baka Subic kami kasama ko ang mga friends ko.”
Steven Silva – “Uuwi lang ako sa Davao to visit my family and friends, doon ako magma-Mahal na Araw at bakasyon na rin.”
Charee Pineda – “’Pag Mahal na Araw, nasa bahay lang po kami at the same time nagsisimba at bi-Bisita Iglesia.”
Jake Vargas – “’Pag Holy Week, sa bahay lang po kami ng buong pamilya tapos nagbi-Bisita Iglesia at nagpapasalamat sa mga blessings na ibinibigay sa akin ni Lord.”
Joyce Ching – “Sa house lang po, nagdarasal kasama ng buong pamilya, 'tapos lumalabas kami para magsimba.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
10 hhamlin
9 milomilo123
8 pearl102
7 lovekosichona
6 wa2
5 dreamer
4 bac_tol
3 Pedrohh
2 MissHugoBacungan
1 Aginaya