Barbie Forteza is one of the leading tween stars of GMA-7 and has appeared in several teen shows. Being a teen star, she has also been paired with other male teen stars, notably Joshua Domingo. Both have gained a throng of fans as a loveteam. To keep track of her fans, Barbie maintains a Twitter account.

Photo: Noel Orsal

Among the cast of the weekly youth-oriented series Tween Hearts, si Barbie Forteza lang ang nagsuot ng two-piece sa summer episode nila na kinunan sa La Virginia Resort sa Mataas Na Kahoy sa Batangas noong isang linggo.

         

Pero nilinaw naman ni Barbie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kahit naka-two-piece siya, may suot pa rin daw siyang shorts. 

Kaya sabi namin sa kanya, wala pala siyang inhibition pagdating sa pagsusuot ng mga sexy swimwear.

         

“Pinaghirapan ko yun, e. Nag-diet ako nang bongga 'tapos itatago ko lang, di ba?” natatawa niyang sabi. 

“Pero actually, hindi naman po ako ganoon katagal nag-diet. 

“Noong nag-Palawan kami, medyo tumaba po kasi ako ng konti kaya kailangan ko pong mag-diet ulit.”

         

Pero natatawang pag-amin niya rin, diet lang daw talaga ang ginagawa niya dahil tamad siyang mag-exercise.

         

Paanong diet ang ginawa niya?

         

“Kasi po madalas, mahilig akong magkutkot ng mga junk foods. So, yun po ang iniwasan ko. 

“'Tapos, more on tubig lang po. Nakakabusog po kasi ang tubig, e.”

         

NEW LOVETEAM. May mga fans naman ng loveteam nina Barbie at Joshua Dionisio, ang JoshBie, ang nagre-react na hindi na ang binata ang kasama niya sa kanyang bagong show, ang Tweets For My Sweets.

Si Elmo Magalona ang kapareha rito ni Barbie.

         

Paano niya mabibigyan ng konsuwelo ang mga tagahanga nila ni Joshua?

         

“Ano po kasi, parang ang hirap nilang paliwanagan lahat.

“Yung iba, kapag sinasabi ko na hindi naman personal, work lang naman, sasabihin nila, ‘Hindi, gusto ko talaga kayo ni Joshua!’ 

“Alangan naman na makipagkulitan pa 'ko, e, ang dami-dami nila!

         

“So, doon sa mga naniniwala sa akin at patuloy na sumusuporta, maraming salamat… pati yung kay Joshua," sabi ng teen actress.

         

Sa mga hindi nakakaunawa, paano?

         

“Thank you na rin kasi, kahit papaano, naging concern sila na maghihiwalay na kami ni Joshua.”

         

Talagang maghihiwalay na ba sila as loveteam at sa Tween Hearts na lang sila mapapanood? May kumausap na ba sa kanila sa management?

         

“Hindi po, e. Basta na lang po namin nalaman," sabi niya.

Malakas ang loveteam nina Barbie at Joshua at malakas din sa mga fans ang loveteam nina Elmo at Julie Anne San Jose. 

Hindi ba siya natatakot na may mga fans din ng dalawa ang magalit?

         

“Siyempre, ang lakas din ng team-up nila. Ewan ko po, nagulat lahat.

“Pati ako, nagulat na lang din ako. Siguro po, makakaraos din," sagot ni Barbie.

 

PRESSURE. May pressure ba siyang nararamdaman din sa loveteam nila ni Joshua?

         

“Siyempre po, kasama na rin po yun. Pero karamihan naman po, kilala ko na rin po.

“Nagpupunta sa mall show kaya close na rin kami ni Joshua. 

“At para sa kanila, doon sa karamihan, nagi-get nila na desisyon ng network. 

         

“At nirerespeto ko naman po ang desisyon ng GMA kasi sila naman po talaga yung may alam kung ano ang mas nakakabuti para sa amin.”

On her part, okay na rin ba siya na susubukan naman ang tambalan nila ni Elmo ngayon?

         

“Opo… magkaibigan na rin naman po kami ni Elmo.

“Nagkasama na po kami sa Pilyang Kerubin at saka sa Party Pilipinas, nagkikita po kami.