(Top row, L-R) LJ Reyes, JM de Guzman, Marian Rivera, Martin Escudero, and Sarah Lahbati; (bottom row, L-R) Mike Tan, Angelika dela Cruz, Alden Richards, Ryza Cenon, and Paolo Contis.

Photo: File Photos

Sabi nila, iba ang mundo ng showbiz.

Ibang-iba sa normal na ginagalawan ng mga ordinaryong tao. Narito na nga raw sa showbiz ang iba’t ibang klase ng temptasyon. Iba’t ibang klase ng kinang na kung mahina-hina ka, posibleng sa maling paraan ito magagamit.

May nagsasabi rin, madalas, nakakalimot lalo na ang mga artista sa Itaas na kadalasan ay dala na rin ng uri ng trabaho at mundong ginagalawan. Iba ang oras. Iba ang mga prayoridad.

Madalas din, ang mga artista ay nahuhusgahan na agad.

Pero naniniwala kami na ang pananampalataya ay personal na relasyon ng tao sa Diyos kahit ano at sino ka man.

Ngayong Mahal Na Araw, ilan sa mga artista ang kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano ang relasyon nila sa Diyos. 

Mas lumalim ba ang intimacy o relasyon nila sa Panginoon mula nang pumasok sila sa mundo ng showbiz o nabawasan? Nawala kaya?

Ilan sa kanila, nang marinig ang naturang tanong ay tila napatigil, at saka lang napaisip. Kumusta nga ba ang relasyon nila sa Itaas?

SAM CONCEPCION

“Habang tumatagal ka sa industry, kailangan yung foundation mo, mas nagiging strong din. Kasi, mas maraming ine-expect sa ‘yo ang mga tao. Yung responsibility, mas mataas so kailangan mas grounded ka. So, I think, I've come closer [to God].

“Kasi, the more na marami ang nang-iintriga sa ‘yo, mas marami kang kailangang i-face na challenges, mas strong ka dapat in the Word and kay God.”

 

JM DE GUZMAN

“I’m more intimate. Simula po nang ibigay sa akin ang mga blessing, simula po noong Kristine, Midnight Phantom, yung maliliit na roles... Sa Kanya lang po akong talagang naniniwala.  Naniniwala ako sa Kanya. Naniniwala ako na ibibigay Niya.

“Kaso, dumating po na ang dami nang nangyayari, medyo napalayo ako. At hindi ko po ginusto yung nangyari sa akin. Parang mabilis akong mapagod. Gusto ko nang umayaw. Hindi ko na naa-appreciate yung maliliit na bagay. So, bumalik po ako sa Kanya.”

MARTIN ESCUDERO

“Sa totoo lang, sasabihin ko sa inyo at sa inyo ko lang ‘to sasabihin. Noong ako’y bata pa, naririnig ko Siya sa mga magulang ko. Nagdarasal kami. Pero hindi ko talaga alam kung ano ang tunay na ibig sabihin.