Derrick Monasterio is presently in Boracay with his mom, former movie actress Tina Monasterio, and his two sisters.

Photo: Melo Balingit

Sandaling iniwan ng tween star na si Derrick Monasterio ang buhay showbiz para makasama ang kanyang pamilya ngayong Holy Week sa Boracay.

Todo bonding ang ginagawa ng young actor, kasama ang kanyang dalawang kapatid na babae at ang inang si Tina Monasterio, dating aktres.

Isa sa kanilang mga activities: sumakay sa flying fish.

Naka-base sa Miami, Florida ang ama ni Derrick na si George Crimarco na ayon sa Kapauso star ay first time niyang nakita noong nakaraang taon.

Dati, may allowance raw siyang natatanggap mula sa ama, pero ngayong artista na siya ay itinigil na raw ang kanyang sustento.

Mula pa rin kay Derrick, ang kanyang mommy raw ang humahawak ng lahat ng kanyang kinikita at binibigyan lang siya ng pera para sa kanyang mga gastusin.

Tungkol naman sa lovelife, magkaibigan pa rin naman daw sila ng kanyang crush na si Sarah Lahbati, taliwas sa balitang binasted siya ng young actress.

Sa La Carmela de Boracay nag-check in ang pamilya ni Derrick simula pa noong April 3.

Babalik sila sa Manila sa Easter Sunday, April 8. (CLICK HERE to read more SUN AND STARS articles)