news

Andrea del Rosario presents her miracle baby, Beatrice Anne: "Wala akong ibang ginawa kundi ipagdasal siya, at salamat sa Diyos, isang healthy baby na siya.”

by Ruel J. Mendoza posted on April 7, 2012  STATS: 53535 Views | 17 Comments

Andrea del Rosario proudly shows off her two-year-old, Beatrice Anne, who was born with a congenital condition called Jejunal Atresia. After four operations and a G-tube attached to her tummy when she was a year old, Bea is now a healthy baby girl, who drinks special milk imported from Singapore.

Photo By: Ruel J. Mendoza

Ngayong Pasko ng Pagkabuhay, kabilang ang dating sexy actress na si Andrea del Rosario sa nagpapasalamat dahil sa maraming grasya sa kanyang buhay at sa kanyang anak na si Beatrice Anne.

Malaki na nga ang pagbubuti sa kalusugan ng kanyang anak na pinanganak niya na maraming komplikasyon sa katawan. Isa ngang kinatakot noon ni Andrea ay baka hindi maka-survive ang kanyang anak dahil bagong silang pa lang ito ay dumaan na ito sa ilang operasyon at kinabitan na ng maraming tubo sa katawan para lang siya mabuhay.

Ngayon ay almost two years old na si Bea, hindi makapaniwala si Andrea sa mga pinagdaanan ng kanyang anak lalo na kapag nakikita niya itong nakangiti at masiglang-masigla.

“Bilang isang ina, hindi mo mapipigilan ang maiyak kasi nakikita mo ang anak mong healthy, laging masaya at parang walang nangyari sa kanya.

“Kapag naaalala ko ang mga nangyari sa kanya noong pinanganak ko siya, hinahanda ko na ang sarili ko sa kung ano ang mangyayari.

“I already lost a baby bago ko siya pinagbuntis. Tapos noong sinilang ko si Bea, maraming kumplikasyon.

"The doctor told me that they are not giving me any assurance if my baby will survive.

"Wala akong ibang ginawa kundi ipagdasal siya, at salamat sa Diyos, isang healthy baby na siya,” ngiti pa ni Andrea nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang April 3 sa kanyang bagong bukas na restaurant sa Mandaluyong.

CONGENITAL. Ipinanganak ni Andrea si Bea na may congenital condition called Jejunal Atresia. Pagkapanganak pa lang ni Bea ay inoperahan ito kaagad para maayos ang kumplikasyon sa small intestine nito. Dumaan nga sa apat pang operasyon si Bea.

Noong bumuti na ang kalagayan nito pagkatapos ng isang taon, kinabitan naman si Bea ng G-tube sa kanyang tiyan dahil sa pagkakaroon nito ng “short gut” syndrome. Kailangan daw ay laging nakakabit kay Bea iyon kahit saan ito magpunta.

Pero isang milagro nga raw ang nangyari ng aksidenteng matanggal ni Bea ang G-tube na nakakabit sa kanya.

“Tulog kasi si Bea at siguro nahawakan niya at nahila niya yung tube. Natanggal sa pagkakakabit.

“Tinuruan naman akong ikabit ulit ‘yung tube. Pero hindi ko na siya makabit pa ulit. Inobserbahan ko naman si Bea, wala namang nangyayari sa kanya na ikinabahala ko.

“So pinabukas ko na ‘yung pagkabit. Dadalhin ko na lang siya sa doctor para maobserbahan siya.

“So the next day nang dalhin ko siya sa doctor, sabi sa akin na okey na raw na hindi ko na ikabit ‘yung G-tube. Mukhang kakayanin na ni Bea na wala ito.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  Noname

    04/10/2012 | 08:25 AM
    I hope na tuloy tuloy na ang recovery ni baby bea... kamukhang kamukha nya baby nya ang cute!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  misswa

    04/10/2012 | 02:35 AM
    this is great news. i've always liked her. beautiful and talented!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  rhiamags

    04/09/2012 | 09:35 PM
    kamuka niya si baby, may dimples din.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  topcop

    04/09/2012 | 01:56 PM
    Amen!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  yan_27

    04/09/2012 | 08:37 AM
    cute ni baby..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  tineetinee

    04/08/2012 | 07:49 PM
    To God be the glory! I don't know you personally, but I'm so happy for your baby Bea, Andrea! : Happy Easter!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  milomilo123

    04/08/2012 | 06:24 AM
    wala na siyang karier tulad ni katya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  washdckami

    04/08/2012 | 02:06 AM
    nakakatuwa naman sana ay maging malusog na ang anak mo. god bless
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • daffodilramos

    04/07/2012 | 11:31 PM
    ang ganda naman ng smile ni bea...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    04/07/2012 | 05:56 PM
    congratz! talagang pasko ng pagkabuhay... isa kana talagang tunay na ina godbless you.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • horacio

    04/07/2012 | 03:53 PM
    pang semana santa talaga ang issue na to, good job pep.ph...and to you baby beatrice anne you will receive total healing in JESUS name, amen...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bulagafan

    04/07/2012 | 02:07 PM
    sino ba ang tatay ng anak niya?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • malimali

    04/07/2012 | 01:56 PM
    Yes, andrea God is good all the time..mahal ng Diyos mga bata. At purpose Sya sa iyo na magpakabait at magbagong buhay ka na. Iiwanan muna mga ginagawa mo noon. Mga kilos at pananamit mo. Kasi isang malaking pagsubok ang nangyare sa iyo iha.....Praise the Lord...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kansilay

    04/07/2012 | 01:49 PM
    Amen to that Andrea! God is good all the time! GOD loves ur daughter! Good Luck sa inyong mag ina!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    04/07/2012 | 01:20 PM
    she's so blessed.... i'm happy for Bea!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ginger2007

    04/07/2012 | 12:55 PM
    Happy for you
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    04/07/2012 | 12:26 PM
    Thanks be to God...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About