Andrea del Rosario proudly shows off her two-year-old, Beatrice Anne, who was born with a congenital condition called Jejunal Atresia. After four operations and a G-tube attached to her tummy when she was a year old, Bea is now a healthy baby girl, who drinks special milk imported from Singapore.

Photo: Ruel J. Mendoza

Ngayong Pasko ng Pagkabuhay, kabilang ang dating sexy actress na si Andrea del Rosario sa nagpapasalamat dahil sa maraming grasya sa kanyang buhay at sa kanyang anak na si Beatrice Anne.

Malaki na nga ang pagbubuti sa kalusugan ng kanyang anak na pinanganak niya na maraming komplikasyon sa katawan. Isa ngang kinatakot noon ni Andrea ay baka hindi maka-survive ang kanyang anak dahil bagong silang pa lang ito ay dumaan na ito sa ilang operasyon at kinabitan na ng maraming tubo sa katawan para lang siya mabuhay.

Ngayon ay almost two years old na si Bea, hindi makapaniwala si Andrea sa mga pinagdaanan ng kanyang anak lalo na kapag nakikita niya itong nakangiti at masiglang-masigla.

“Bilang isang ina, hindi mo mapipigilan ang maiyak kasi nakikita mo ang anak mong healthy, laging masaya at parang walang nangyari sa kanya.

“Kapag naaalala ko ang mga nangyari sa kanya noong pinanganak ko siya, hinahanda ko na ang sarili ko sa kung ano ang mangyayari.

“I already lost a baby bago ko siya pinagbuntis. Tapos noong sinilang ko si Bea, maraming kumplikasyon.

"The doctor told me that they are not giving me any assurance if my baby will survive.

"Wala akong ibang ginawa kundi ipagdasal siya, at salamat sa Diyos, isang healthy baby na siya,” ngiti pa ni Andrea nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang April 3 sa kanyang bagong bukas na restaurant sa Mandaluyong.

CONGENITAL. Ipinanganak ni Andrea si Bea na may congenital condition called Jejunal Atresia. Pagkapanganak pa lang ni Bea ay inoperahan ito kaagad para maayos ang kumplikasyon sa small intestine nito. Dumaan nga sa apat pang operasyon si Bea.

Noong bumuti na ang kalagayan nito pagkatapos ng isang taon, kinabitan naman si Bea ng G-tube sa kanyang tiyan dahil sa pagkakaroon nito ng “short gut” syndrome. Kailangan daw ay laging nakakabit kay Bea iyon kahit saan ito magpunta.

Pero isang milagro nga raw ang nangyari ng aksidenteng matanggal ni Bea ang G-tube na nakakabit sa kanya.

“Tulog kasi si Bea at siguro nahawakan niya at nahila niya yung tube. Natanggal sa pagkakakabit.

“Tinuruan naman akong ikabit ulit ‘yung tube. Pero hindi ko na siya makabit pa ulit. Inobserbahan ko naman si Bea, wala namang nangyayari sa kanya na ikinabahala ko.

“So pinabukas ko na ‘yung pagkabit. Dadalhin ko na lang siya sa doctor para maobserbahan siya.

“So the next day nang dalhin ko siya sa doctor, sabi sa akin na okey na raw na hindi ko na ikabit ‘yung G-tube. Mukhang kakayanin na ni Bea na wala ito.