Aiza Seguerra and Chen Sarte (left) have reportedly split up after more than seven years. Now, the acoustic singer is being linked to Protégé winner Krizza Neri (right).

Photo: Noel Orsal / Enie Reyes

Ang Protégé winner na si Krizza Neri nga ba ang dahilan ng hiwalayang Aiza Seguerra at Chen Sarte?

Hanggang ngayon ay tahimik ang kampo nina Aiza at Chen sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Mahigit pitong taon ang itinagal ng relasyon nila, na naisapubliko matapos umamin ni Aiza tungkol sa kanyang sekswalidad.

Lumabas noong Marso sa iba't ibang websites at tabloids ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay. Kasabay nito ay ang espekulasyon na may bago nang kasintahan si Aiza.

Isa sa mga lumutang na pangalan ay ang baguhang singer na si Krizza.

AIZA'S TWEET. Tila umugong ang usap-usapan tungkol sa diumano'y relasyon nina Aiza at Krizza dahil sa naging palitan nila ng tweets noong nakaraang linggo.

Nag-post kasi si Aiza ng mensahe para kay Krizza noong Abril 8, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, at sinabing: "I love you @krizzaneri :)"

Ito'y sinagot naman ni Krizza ng: "I love you too, @aizaseguerra! :)"

Nagkakilala ang dalawa nang piliin ni Aiza si Krizza, kasama sina Mark Gregory King at Zibrille Pepito, bilang protégé para sa GMA-7 talent search show na Protégé: The Battle for the Big Break sa SM Cagayan de Oro.

Si Krizza ang natira sa face-off round.

Dito nagsimulang magkalapit ang dalawa dahil tinutukan ni Aiza ang aspiring singer sa pag-abot nito ng kanyang pangarap upang maging mahusay na singer.

At sa huli nga ay si Krizza ang itinanghal na pinakaunang Protégé grand winner.

Bagamat natapos na ang kumpetisyon ay nagpatuloy pa rin ang magandang samahan ni Krizza sa kanyang mentor na si Aiza.

Sa isang panayam ay itinanggi na ni Krizza na may namamagitan sa kanila ni Aiza maliban sa pagiging protégé-mentor.


CHEN'S SIDE. Samantala, sa kabila ng maraming espekulasyon tungkol sa breakup nina Aiza at Chen, nilinaw ng huli na magkaibigan pa rin sila ng singer.

Ayon sa ulat ni Mario Dumaual sa evening news program ng ABS-CBN na TV Patrol noong Marso 20, hiniling ni Chen sa publiko na itigil na ang mga haka-haka tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Aiza.