news

Is Protégé winner Krizza Neri the reason why Aiza Seguerra and Chen Sarte broke up?

by Jocelyn Jimenez posted on April 10, 2012  STATS: 82002 Views | 21 Comments

Aiza Seguerra and Chen Sarte (left) have reportedly split up after more than seven years. Now, the acoustic singer is being linked to Protégé winner Krizza Neri (right).

Photo By: Noel Orsal / Enie Reyes

Ang Protégé winner na si Krizza Neri nga ba ang dahilan ng hiwalayang Aiza Seguerra at Chen Sarte?

Hanggang ngayon ay tahimik ang kampo nina Aiza at Chen sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Mahigit pitong taon ang itinagal ng relasyon nila, na naisapubliko matapos umamin ni Aiza tungkol sa kanyang sekswalidad.

Lumabas noong Marso sa iba't ibang websites at tabloids ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay. Kasabay nito ay ang espekulasyon na may bago nang kasintahan si Aiza.

Isa sa mga lumutang na pangalan ay ang baguhang singer na si Krizza.

AIZA'S TWEET. Tila umugong ang usap-usapan tungkol sa diumano'y relasyon nina Aiza at Krizza dahil sa naging palitan nila ng tweets noong nakaraang linggo.

Nag-post kasi si Aiza ng mensahe para kay Krizza noong Abril 8, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, at sinabing: "I love you @krizzaneri :)"

Ito'y sinagot naman ni Krizza ng: "I love you too, @aizaseguerra! :)"

Nagkakilala ang dalawa nang piliin ni Aiza si Krizza, kasama sina Mark Gregory King at Zibrille Pepito, bilang protégé para sa GMA-7 talent search show na Protégé: The Battle for the Big Break sa SM Cagayan de Oro.

Si Krizza ang natira sa face-off round.

Dito nagsimulang magkalapit ang dalawa dahil tinutukan ni Aiza ang aspiring singer sa pag-abot nito ng kanyang pangarap upang maging mahusay na singer.

At sa huli nga ay si Krizza ang itinanghal na pinakaunang Protégé grand winner.

Bagamat natapos na ang kumpetisyon ay nagpatuloy pa rin ang magandang samahan ni Krizza sa kanyang mentor na si Aiza.

Sa isang panayam ay itinanggi na ni Krizza na may namamagitan sa kanila ni Aiza maliban sa pagiging protégé-mentor.


CHEN'S SIDE. Samantala, sa kabila ng maraming espekulasyon tungkol sa breakup nina Aiza at Chen, nilinaw ng huli na magkaibigan pa rin sila ng singer.

Ayon sa ulat ni Mario Dumaual sa evening news program ng ABS-CBN na TV Patrol noong Marso 20, hiniling ni Chen sa publiko na itigil na ang mga haka-haka tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Aiza.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  silangan24

    04/23/2012 | 09:06 PM
    sa Instagram ni aiza lantad na lantad na meron silang something nun krizza neri. oh well sans wag lang nyang gamitin si Aiza parasumikat at pagusapan sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  candicebluv

    04/22/2012 | 05:01 AM
    mahaba kaya ang dila ni aiza
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  pinaypay2

    04/17/2012 | 07:42 PM
    Gusto ni Chen ng totoong goma kaya iniwan si Aiza, di niya kasi kaya ibigay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  lanieguillen

    04/17/2012 | 12:05 PM
    hayaan na lang natin ma in love ang mga bata... let them enjoy what love is...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  ka_epal

    04/12/2012 | 02:44 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  thelastpepbender

    04/12/2012 | 01:10 PM
    Chwitter tama ka jan! wala nga paki kaya ang effort mag comment dito haha! Sana maganda yung album ni Krizza para mag SUPER HIT talaga. at gandahan ng GMA 7 yung PUBLICITY.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  myrth

    04/11/2012 | 10:00 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  Chwitter

    04/11/2012 | 09:45 AM
    Pinoy_cali ako, Mukha ngang wala kang paki, nageffort ka magcomment eh :D Walang ginagawang album ang GMA for Krizza Neri kaya tigilan nyo na yang mga issue na yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  bagtit12

    04/11/2012 | 08:21 AM
    Yuck..yan dapat tuluran paging mshugot hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  pinoycali_ako

    04/11/2012 | 04:20 AM
    oh puhleease wala kaming paki sa mga babae na gusto maging lalaki na ito! Next! So freaking what? Maski tumalon si MR Aiza sa building wala kaming paki!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  milomilo123

    04/10/2012 | 11:36 PM
    walang ka kwenta kwentang news.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Paradigm

    04/10/2012 | 10:13 PM
    Ayy naku prooteje... abangan nalang natin ang mga gulets singers baka sakaling makakatulong nga sina Jeneba at Jizza sa naghihingalong GME records.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rhiamags

    04/10/2012 | 09:50 PM
    ok, pila-pila lang sa pag-abang ng album from gma records! paunahin niyo na muna yung the next big star na nagpaparinig na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Paradigm

    04/10/2012 | 09:33 PM
    Dapat gawan na ng self-titled album I love u, i love u too! Paging GME! Inip na ang pans para sa album ni Prooteje, sana may duet sila ni Chonalyn. Choss!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Paradigm

    04/10/2012 | 09:31 PM
    Ayan wala pa ngang career si Prooteje, ang ganda agad ng publicity. Salamat sa i-pod Aiza!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    04/10/2012 | 09:02 PM
    i saw it coming. iba talaga ang sweetness nila. tutok daw c aiza pati sa recording ng album ni krizza.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thelastpepbender

    04/10/2012 | 07:47 PM
    i love KRIZZA! very CLEAR and beautiful voice. GMA 7 gawan nyo na sya ng ALBUM. about the issue naman maganda naman si chen baka naisip nya na gusto nya magkaanak at di yun mangyayari kung si aiza kasama nya. aiza and krizza are lovers? well sa tingin ko hindi, pero kung lovers man sila who are we to judge thier lives. thats their lives and we have our own lives. MIND YOU OWN BUSINESS ika nga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tatoyadik

    04/10/2012 | 06:15 PM
    un lang...let thm happy with their lives...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • SuPeRdAnY

    04/10/2012 | 04:37 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gopinoy

    04/10/2012 | 03:36 PM
    bata pa si krizza sana wag naman ganito ang unang lalabas na mga issue para lang siya pasikatin di magandang ehemplo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About