Hindi pa raw handa ang dating movie queen na si Amalia Fuentes na sagutin ang mga patutsada ng talent manager na si Annabelle Rama laban sa kanya.
Ito ang kanyang ipinahayag sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez, na ipinalabas ngayong gabi, April 10, sa TV Patrol.
Matatandaang nakaaway ng beteranang aktres si Annabelle noong April 3. Nangyari ang alitan sa misa para sa libing ng dating asawa ni Amalia na si Joey Stevens.
(CLICK HERE for related story.)
Matapos ang alitan sa loob ng simbahan ay naging sunud-sunod ang pahayag ni Annabelle laban kay Amalia, na ipinahatid nito sa media at sa social networking site na Twitter.
Gayunpaman, nakapagpahayag si Amalia na sasagutin niya lamang ang mga ito matapos ang Holy Week.
Ngunit sa pahayag ni Amalia sa TV Patrol, sinabi nitong hanggang sa ngayon ay nagpapalakas pa siya ng loob bago sagutin si Annabelle.
“I am on a Holy Week retreat, because as you know, I just buried my husband Tuesday, and then Wednesday, I came up here to find peace, to find courage,” saad niya.
Dagdag ng dating aktres, hindi pa siya handang harapin ang matapang na talent manager.
“Wala pa ako sa emotional... my emotions, I'm not ready to deal with her on her level.
"You know, yung sa salitang maiintindihan niya at ng kanyang followers. It's hard to go down to her level.
"But I will, I can do it. I've been there before,” saad ni Amalia.
DEAD HUSBAND. Samantala, ipinahayag naman ni Amalia ang saloobin tungkol sa libing ng dating asawa noong araw na nagkaroon sila ng kumprontasyon ni Annabelle.
Naging malaking eskandalo noon ang paghihiwalay nina Amalia at Joey, na diumano'y third party ang dahilan.
Nagpalitan pa nga ng mga kaso ang dalawang panig; kasama na ang libelo at qualified theft.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
66 yunikrose
65 nosebleeders
64 fanatix
63 fanatix
62 bacobaco
61 Ligayaparaiso2011
60 rhapsody123
59 Babylove2
58 tearhere
57 lanalang08
56 beautifulgaga_07
55 lucky7
54 Ligayaparaiso2011
53 diane84
52 purong_kapamilya
51 Ligayaparaiso2011
50 Ligayaparaiso2011
49 Ligayaparaiso2011
48 asamption1
47 asamption1
more comments