Aminado ang aktor na si Derek Ramsay na kahit noong bali-balita pa lamang ang kanyang paglipat sa TV5, may ilang nang nagsasabi na hindi magiging maganda ang takbo ng kanyang showbiz career dito.
May ilan daw na nagsabi na magiging “laos” na siya kung sakaling magdesisyon siyang lumipat sa Kapatid network, ang ikatlong pinakamalaking network sa bansa.
Ngunit hindi raw ito inisip ng dating Kapamilya star.
“I don’t believe that,” sabi ni Derek nang tanungin siya ng media tungkol dito sa press conference na inihanda para sa kanyang paglipat kagabi, Abril 10, sa Edsa Shangri-la Hotel sa Mandaluyong City.
Ayon pa sa celebrity athlete, “You know, ako, [kapag] binigyan ako ng proyekto, hindi ko ginagawa para maging sikat ako. I’m gonna give my best.
“That is something given to me, my responsibility. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ma-deliver ang gusto nila.”
Dagdag pa niya, “May mga nagsasabing malalaos na, but that’s their opinion.
“There was somebody from Channel 2 na nagsabi na, ‘I’ll be honest with you...’ He said nga na if I move to TV5, malalaos ako.
“I can understand where they’re coming from.
"Pero sinabi ko na ito, di ba, I remember this: I believe na if I can help this [TV5] grow from this to this, I’ll be more proud of myself.”
HELPING TV5 GROW. Bagamat naging mahirap na desisyon ito para kay Derek, naniniwala siya na tama naman ang kanyang ginawa.
“Like I said earlier, kapag natulungan ko ang TV5 to grow… You know, they trust me now.
“They respect the risk I’ve taken to go with them. And I really don’t think there was a risk.
“My insight in this is that TV5 is just gonna keep growing. And if I can give to that, I’ll be very proud of myself.”
Nakakabuti rin daw ang mga suportang nakukuha niya mula sa mga tao, lalo na doon sa mga nababasa niyang mensahe mula sa social networking site na Twitter.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
48 ratedsardines
47 ratedsardines
46 ratedsardines
45 rhiamags
44 misstoe
43 Elite_Us
42 anepau1324
41 Elite_Us
40 chakachaka
39 chakachaka
38 hetonanaman
37 malimali
36 Pedrohh
35 starla10
34 starla10
33 MissHugoBacungan
32 Stantiel
31 jagjof
30 MandK
29 beybong
more comments