“One day, in the same way that you’re asking me, I’m sure people will ask him also, and then I hope that he’ll be able to present it. With clarity and with purpose, and with the sole intention of not clearing his name, but doing two things: One is perhaps, apologizing for the people that he’s hurt, but also for hoping that people do understand also that he doesn’t hate any of them. He actually knows that they all played certain roles in his life to make him what he is today,” says Gary Valenciano about his son Gab.

Photo: Noel B. Orsal

Bilang selebrasyon ng kanyang ika-29 na taon sa show business, magkakaroon ng eight-day concert series si Gary Valenciano sa Music Museum na magsisimula na sa Abril 12, Huwebes, at magpapatuloy sa mga araw na Abril 13, 19, 20, 26, 27, at Mayo 9 at 10.

Gary V: On Higher Ground ang titulo ng kanyang concert series kung saan makakasama niya bilang guests ang acoustic singer na si Julianne, ang dating Rage Band lead singer na si Juan Miguel Salvador, at ang Manouevers.

At para sa concert na ito, magkakatrabaho sa unang pagkakataon bilang co-directors si Gary at ang anak niyang si Paolo Valenciano.

“I’m very proud of the fact that I can work with my son,” pagmamalaki ni Mr. Pure Energy sa pakikipag-usap niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng press na pumunta sa presscon ng kanyang concert na ginawa sa 9501 restaurant sa ABS-CBN kahapon, Abril 10.

Patuloy ni Gary, “And there are many disagreements I had with actual directors than there are with my son.”

Dahil daw kasi ito sa pagkakaroon nila ng parehong “page” pagdating sa creativity at sa pareho nilang pagiging bukas sa bagong ideas.

“We’re open to these things. [We’re] very flexible.

"So, it feels good na I’m working with somebody like that,” sabi pa ni Gary tungkol sa kanyang anak na si Paolo.

ON SON GAB. Siyempre pa’y natanong din si Gary tungkol sa isa pa niyang anak na lalaki—si Gab.

Nagpasalamat pa ang Manila Genesis premium artist sa pagtatanong sa kanya ng PEP tungkol sa isyung ipinupukol sa kanyang anak na si Gab.

May mga nagsasabi kasing nagkakaroon na ng reputasyon ang panganay ni Gary bilang “chick boy,” playboy, o heartbreaker dahil tila wala raw itong nagtagal na nakarelasyon.

Nakatatlong girlfriends na mula sa showbiz si Gab.

Mula kay Nikki Gil, naging girlfriend din ng binata si Rachelle Ann Go.

Matapos ang maintriga’t kontrobersiyal na breakup sa singer ay sa Kapuso actress naman na si Isabel Oli nakipagrelasyon si Gab.

Pero nauwi rin sa breakup ang relasyon nina Isabel at Gab.