Pero hindi na nga ito direktang naitanong kay Gretchen para linawin sana ang naturang tsismis. Hindi na rin nagpumilit pa ang press bilang respeto na lang sa pakiusap ng aktres.
THE ROLE OF A QUEEN. Sa halip na intriga ay mas gusto ngang pag-usapan ni Gretchen ang Princess and I, na mapapanood na sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa Abril 16.
Isa sa ikinatuwa niya sa project na ito ay dumayo pa sila sa bansang Bhutan para mag-taping ng ilang mahahalagang eksena sa loob ng dalawang linggo.
Ang Bhutan ay isang landlocked state sa South Asia at matatagpuan ito malapit sa mga bansang India, China, Nepal, at Bangladesh.
Ginagampanan ni Gretchen sa serye ang role ni Ashi Behati, na isang reyna at first time niya raw gumanap sa ganitong role.
Sa ipinapakitang trailer ng teleserye ay tila kontrabida ang role ni Gretchen. Pero paglilinaw niya, may dahilan kaya ganito ang karakter ni Ashi Behati.
“Actually, mabait siya. May back story, merong rason kung bakit si Ashi Behati ay maraming galit sa puso.
“So, maiintindihan n’yo’ yan as the series goes on.
“Kami ang magiging magkalaban ni Albert [Martinez as King Anand] because gusto kong agawin ang kaharian mula sa kanya.”
Ano ang challenge ng pagganap bilang reyna?
“Well, to be a queen is a challenge because I’m not a queen in real life and the culture in Bhutan is different. So, I have to learn the ways of a queen.
“The other challenge is learning to speak Dzongkha [the official language of Bhutan], which I never heard before.
“It’s not like Chinese, Spanish or French, naririnig natin ‘yan, di ba? Pero ang Dzongkha, hindi. That is a great challenge.
“And as a queen, the challenge of being a kontrabida or a nasty person is not like… ‘pag queen ka, hindi ka masigaw. Everything is just firm.
“So, it’s subdued acting which is not very easy.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
64 Monicafer
63 ClawClown
62 pilyangmaganda
61 vivapinata
60 fanatica
59 misstoe
58 clish21
57 milomilo123
56 Monicafer
55 Monicafer
54 pinaypay2
53 candicebluv
52 lanieguillen
51 Paradigm
50 milomilo123
49 pearl102
48 pearl102
47 Manamalady
46 pearl102
45 wa2
more comments