Enrique Gil is said to be hesistant to court Princess And I co-star Kathryn Bernardo because he is already committed to someone else. But the young actor denied this and said, "Hindi po.Wala po akong nililigawan at wala pa akong girlfriend ngayon. As in wala talaga."

Photo: Melo Balingit

Isang prinsipe na hinuhubog ng kanyang inang reyna para maging hari ang papel na ginamgapanan ni Enrique Gil sa pinakabagong primetime series ng ABS-CBN, ang The Princess And I.

Ayon kay Enrique, sobrang nag-enjoy raw siya sa taping nila sa Bhutan kung saan kinunan ang ilang mahahalagang eksena ng kanilang serye.

Kung may mga kasamahang artista raw siya na medyo nag-aalangang magtagal sa Bhutan, si Enrique raw ay walang kaso kung tumira man siya nang matagal sa nasabing lugar. 

“Okey lang sa akin na mag-stay doon.

"Kung yung iba hindi nila kayang magtagal doon at mag-enjoy nang husto, ako, sobrang enjoy.

“Yung iba kasi sa amin, nag-enjoy lang sa umpisa, pero after ng ilang days lang, e, nababagot na at gusto nang umuwi na agad dito.

“Kasi doon, e, puro bundok. Yung iba naghahanap ng wi-fi, computer, at yung nakasanayan nila dito sa atin.

“Ako actually, e, enjoy ako.

"Sabi nga sa akin ng handler ko,e, parang puwede na rin sa akin ang walang cell phone kasi hindi ko talaga ginagamit masyado.

“Sa totoo lang, e, mabubuhay ako at mag-e-enjoy sa Bhutan.

“Ako kasi, e, nature lover talaga. At doon, e, talagang mapupuri mo ang lugar ng Bhutan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Enrique sa presscon ng Princess And I kagabi, April 11.

KATHRYN BERNARDO. Nakadagdag pa nang husto sa enjoyment ni Enrique ang pag-i-stay sa Bhutan dahil naroon si Kathryn Bernardo.

Aminado naman si Enrique na kung sa pelikula nilang Way Back Home ay masasabi niyang solong-solo niya si Katrhyn, sa The Princess And I ay kaagaw niya ng atensiyon ng dalaga sina Khalil Ramos at Daniel Padilla.

Sa dalawang nabanggit, mukhang si Daniel daw ang masigasig dahil sobra raw ito kung makaalalay kay Kathryn.