news

Enrique Gil on team-up with Kathryn Bernardo: "Ayoko namang magpakasobrang paka-effort kasi alam naman natin ang sitwasyon."

by Jimi Escala posted on April 12, 2012  STATS: 38770 Views | 11 Comments

Enrique Gil is said to be hesistant to court Princess And I co-star Kathryn Bernardo because he is already committed to someone else. But the young actor denied this and said, "Hindi po.Wala po akong nililigawan at wala pa akong girlfriend ngayon. As in wala talaga."

Photo By: Melo Balingit

“Wala," sagot niya.

"Basta ako, kung ano ang lang ang ibibigay sa akin ng director ko, e, yun lang talaga ang susundin ko at hindi na ako lalampas pa doon.

“Ayoko namang may gagawin pa na ang feeling ko, e, makakasira pa sa friendship naming apat," pagtukoy niya sa co-stars na sina Kathryn, Daniel, at Khalil.

“Basta ako, e, cool lang ako,” pahabol pa niya.

May nabanggit si Kathryn sa isang interview na open naman siya kung sinuman kina Daniel at Khalil ang manligaw sa kanya. 

Tutuloy na ba ngayon si Enrique o mag-iisip-isip pa rin siya?

“Well, ako, e, chill lang muna ako. Pero you know naman may mga mangyayari pa rin naman.

“Malay natin sa kalagitnaan ng teleserye naming ito, e, mas magiging mas close pa kami ni Kathryn."

Paano ba manligaw si Enrique?

“Well, ako, gusto ko lang maging masaya yung tao.

“Gusto ko lagi siyang patawanin at makikita ko laging masaya siya,” sabi niya.

GIFT FOR KATHRYN? Sa isang mall daw sa Bangkok, Thailand binilhan ni Enrique ng isang magandang lagayan ng relo si Kathryn.

Advance birthday gift daw niya yun para sa leading lady niya sa The Princess and I.

"Hindi ko nga alam kung magugustuhan niya.

"Pero nakita ko namang na-appreciate niya kaya tuwang-tuwa na rin ako,” nakangiting sabi niya.

« Prev  1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  gmabs27

    04/13/2012 | 01:01 PM
    i think si kathryn pang drama talaga ang punta,,, si enrique pang drama rin kunting exposure pa at pwede nang i-lauch as leading man pero kailangan nya ng matinding supporting cast at magandang story,, as for daniel, masyado pang bata, light story na may halong comedy yung parang korean novela ang bagay sa kanya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  StocksAndBonds

    04/13/2012 | 11:09 AM
    I like him A LOTTTT!!!! And yes, leading man material siya so please lang ABS give him a chance, he's very talented. Sayang lang dahil pang third wheel lang palagi ang binibigay sa kanya. They should not waste his potential, he is a rare GEM!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    04/13/2012 | 04:52 AM
    Kahawig ito ni weng weng ahihihi....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    04/13/2012 | 04:42 AM
    hindi sisikat si kathyrn kung si daniel ang magiging permanent love team niya. kailangan ni kathyrn ang isang medyo matured looking guy. hindi na dapat pa tween tween na lang ang show ni kathyrn dahil mas bagay siya sa isang drama. mas bagay siya kay enrique dahil medyo magkaiba ang personality nila. at kung kay daniel lang hindi siya sisikat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    04/12/2012 | 10:37 PM
    da who daw sabi ng kapuso? hahahahahah... sinungaling...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jenny05

    04/12/2012 | 08:36 PM
    ABS should find the right leading lady for him. He is talented kaya lang parang palagi na lang siyang third wheel sa mga teleserye like sa Mula sa Puso and Budoy. Mukhang mas patok sila Kathryn and Daniel sa mga teens. Sobrang kinababaliwan sila ngayon ng mga pinsan ko na teenagers, parang mga loka-loka sa kilig kay Kathryn and Daniel. How about pairing him with Lauren Young, Julia Montes or Jessy Mendiola in the future? Mukhang babagay si Enrique sa kanila. Sayang naman kung hindi siya maging main leading man.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • TheFanGirl77

    04/12/2012 | 07:46 PM
    Go Enrique Gil! It's refreshing to see someone na hindi sumasagot para lang magpakilig and makapagpromote.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bagtit12

    04/12/2012 | 07:42 PM
    no.3 bitter ka teh..da who pero may time ka magbasa article na to..malaking da who ka din hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Einstein_1

    04/12/2012 | 06:09 PM
    da who...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • astrodeus

    04/12/2012 | 05:57 PM
    tama, pranka at direct to the point... bakit pa siya magpapakilig after ng taping.. panoorin na lang para makita sa TV kung may chemistry talaga sila at kung dapat bang kiligin... in fairness, siya ang pinaka-hot at gwapo sa tatlong leading men ni kathryn... lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ka_epal

    04/12/2012 | 05:40 PM
    enrique is so cute... he is so talented as well. infairness, hindi siya showbiz sumagot.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About