Kathryn Bernardo on her three Princess And I leading men—Enrique Gil, Daniel Padilla, and Khalil Ramos: “Siguro masasagot ko na lang ‘yan ‘pag tapos na yung show kung kanino ako pinaka naging close talaga. So far, sa ngayon, silang tatlo at sila rin naman ang gumagawa ng way para makapag-bond kami. Ayos naman silang lahat.”

Photo: Melo Balingit

Kung si Julia Montes ay dalawa ang leading men sa Walang Hanggan—sina Coco Martin at Paulo Avelino—hindi naman papatalo si Kathryn Bernardo dahil tatlo ang leading men niya sa Princess and I—sina Enrique Gil, Daniel Padilla, at Khalil Ramos.

Kanino ba siya pinaka-close sa tatlo?

“Ngayon, super close ko silang lahat,” sagot ni Kathryn.

“Si Quen [Enrique], okay. 

"Si Khalil nga ‘di ko ine-expect na ganun kami magiging ka-close. Ngayon, wala na kaming ilangan. 

“Kay DJ [Daniel], close naman talaga kami from Growing Up pa lang.

“Siguro masasagot ko na lang ‘yan ‘pag tapos na yung show kung kanino ako pinaka naging close talaga.

“So far, sa ngayon, silang tatlo at sila rin naman ang gumagawa ng way para makapag-bond kami.

“Ayos naman silang lahat.”

Hindi rin daw nakalimot ang tatlong leading men ni Kathryn na bigyan siya ng regalo nang mag-birthday siya last March 26.

Si Daniel daw ay nagbigay ng chocolates, si Khalil ay lotion at shampoo, habang si Enrique ay lalagyan ng relo.

Pero ano ang masasabi niya na si Daniel talaga ang totoong pumuporma sa kanya dahil ito raw ang pumupunta sa bahay nila?

“Ngayon po, siya ang pumupunta sa bahay. Pero kung gustong pumunta nung dalawa, puwede rin naman," sabi ni Kathryn.

NOT READY TO HAVE A BOYFRIEND. Vocal si Daniel sa pagsasabing gusto talaga niya si Kathryn.

May pag-asa ba ang binatang aktor kay Kathryn kung sakaling ituloy nito ang panliligaw?