Jasmine Curtis Smith on why she did not have a lavish party for her 18th birthday: “Kasi for me, gusto kong maging praktikal sa pag-spend ng money. Hindi ako in favor na mag-spend ng so much for myself na para sa isang gabi lang. In a way, gusto ko, if ever mag-spend ako ng ganun kadaming pera, I want something more useful, more productive, charity, or para kay Mama, ganun."

Photo: Glen P. Sibonga

Pinili ng TV5 princess na si Jasmine Curtis Smith na dito sa Pilipinas magdiwang ng kanyang 18th birthday noong April 6. Tamang-tama nga raw dahil bakasyon o first quarter break nila sa school.

Pero dahil natapat nga sa Good Friday ang birthday niya ay naurong ang selebrasyon nito on a later date.

Nagkaroon siya ng party sa Annabel’s restaurant noong April 9 na inorganisa ng manager niyang si Betchay Vidanes at ng kanyang ama na si James Smith.

Kagabi naman, Abril 12, ay binigyan siya ng TV5 ng isang videoke party kasama ang ilang fans, entertainment press kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), at TV5 PR Team sa Red Box TriNoMa.

Inihayag nga ni Jasmine ang kanyang labis na kasiyahan nang makausap siya ng PEP.

Aniya, “Yung sa Annabel’s, surprise celebration yun ng management ko for me.

“Alam ko na may party. Ang hindi ko alam, yung mga guest.

“Akala ko yun yung kasama kayo ‘tapos family ko.

“So, nagulat ako nung puro childhood friends, yung mga friends ni Ate [Anne Curtis]… siyempre sina Ate nandun din, yung Nandito Ako team.

“Kaya ayun, naiyak ako kasi na-overwhelm ako.

“And now, I’m happy na nandito kayo for my birthday. Ayan, magkakantahan tayo,” sabi ni Jasmine.

Hindi niya nga binigo ang mga fans at press na present sa party dahil tila nag-mini concert siya doon. ‘Tulad din ng kanyang Ate Anne, malakas din ang loob niya na kumanta.

Kabilang sa mga inawit niya ang “Love Story” ni Taylor Swift, “Firework” ni Katy Perry, at ang ikinagulat pero ikinatuwa ng lahat na “Basang-Basa sa Ulan” ng Aegis.

SIMPLE BUT MEANINGFUL BIRTHDAY. Bakit hindi niya pinili ang isang engrandeng party para ipagdiwang ang pagiging debutante niya?

“Kasi for me, gusto kong maging praktikal sa pag-spend ng money.