Aljur Abrenica may not be visible on television right now, but he says he’s busy with shows in the provinces as well as abroad. “Kumbaga, mas dine-develop namin ang skills namin sa pagharap sa tao,” says Aljur.

Photo: Melo Balingit

Bagamat madalang siyang makita sa telebisyon ngayon, hindi naman daw naiisip ni Aljur Abrenica na lumipat sa ibang network.

Matatandaan na huling nakasama sa teleserye ang StarStruck Batch 4 winner sa epic-seryeng Amaya. Samantalang ang huling pelikula niya ay ang My Kontrabida Girl na ipinalabas noong isang buwan.

“Ngayon, I’m happy naman,” pahayag ni Aljur nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa ginanap na White Party para sa mga finalist ng Century Tuna Superbods kagabi, Abril 13, sa Sun Villas Resort, Boracay Island.

Sa ngayon, mas abala raw siya sa mga show sa probinsiya at ibang bansa.

Ayon kay Aljur, “May mga plano naman [ang GMA management] sa akin.

“Wala namang question kasi sunud-sunod naman ang out-of-the-country trip namin. ‘Yon ang pinagkakabalahan namin.”

Dagdag pa ni Aljur, “Kumbaga, mas dine-develop namin ang skills namin sa pagharap sa tao, mag-perform. Kumbaga, napagbibigyan ‘yong gusto ko na music.”

Aminado si Aljur na nakakapanibago na wala siyang ginagawa ngayon bilang aktor. Pero kampante naman daw siya na hindi siya pababayaan ng kanyang home network.

“Well, naninibago rin pero darating din talaga ang time na ‘yon, na kailangang magpahinga. Kailangang may mapagtuunan ka ng pansin,” ani Aljur.

WAITING FOR RIGHT TIME. Paniguro pa ng dating Machete actor, “Never ko namang na-feel na pinababayaan ako ng GMA-7.

“I think humahanap lang sila ng tamang timing.

“Talagang nararamdaman ko naman na hindi ako pinapabayaan. I love GMA-7.”

Pagdating naman sa isyu ng paglipat, “Mahirap sagutin ‘yan,” ang naging sagot ng binatang Kapuso talent.

“Ito na lang, GMA-7 ‘yong nag-build sa akin, nag-make sa akin kung nasaan man ako.

“Wala akong balak [lumipat].