Down to Mars seven-member group composed of Yheen, Daisuke, Jeongwon, Kenji, Kiro, Jang and Sky, are excited to shoot a music video with Marian Rivera. The group is a regular on GMA-7's Party Pilipinas.

Photo: Courtesy of Polyeast Records

The seven-member group Down to Mars is looking forward to shooting the music video of  "My Everything," carrier single of their self-titled album.

Kasama si Marian Rivera sa video.

Magkahalo na kaba at excitement ang nararamdaman ng  inter-pop music group dahil hindi nila inaasahan na papayag si Marian na suportahan ang kanilang unang music video.


"Kinakabahan kami dahil star-struck kami kay Marian.

"Sobrang nakakataba ng puso ang pagpayag niya na lumabas sa music video namin. It's a big privilege for us," ang nagkakaisa na pahayag nina Yheen, Daisuke, Jeongwon, Kenji, Kiro, Jang at Sky na mas kilala bilang mga miyembro ng Down to Mars na regular na napapanood sa Party Pilipinas ng GMA-7.

Bilang paghahanda sa shoot ng music video, pinagbawalan na mag-swimming noong Holy Week ang miyembre ng group para hindi sila mangitim. Pinag-diet din sila para maging physically fit.

Tiniyak ng Down to Mars na ibang Marian ang mapapanood sa music video na gagastusan daw nang husto.

Magkakaroon ng grand launch sa Party Pilipinas sa May 27 ang kanilang music video at record album. Sabay din nilang ipagdiriwang ang unang anibersaryo ng kanilang grupo sa May 22.

"Thankful kami sa PolyEast Records dahil pumayag sila na  maging distributor ng aming debut album. It's very surreal.

"Hindi kami makapaniwala na mga recording artist na kami. Sana mabigyan namin ng justice ang trust nila sa amin," ang sabi ng grupo.

Original songs at sariling composition ng Down to Mars ang laman ng kanilang 6-track album.

Na-impress ang mga executive ng PolyEast Records sa mga kanta ng grupo pero nag-request sila na mag-compose ng Tagalog song.

Ang kantang "Nandito Lang Ako" ang naging resulta. Potential hit at puwedeng maging theme song ng teleserye ito.