news

Down to Mars over the moon about shooting music video with Marian Rivera

by Jojo Gabinete posted on April 14, 2012  STATS: 9573 Views | 9 Comments

Down to Mars seven-member group composed of Yheen, Daisuke, Jeongwon, Kenji, Kiro, Jang and Sky, are excited to shoot a music video with Marian Rivera. The group is a regular on GMA-7's Party Pilipinas.

Photo By: Courtesy of Polyeast Records

The seven-member group Down to Mars is looking forward to shooting the music video of  "My Everything," carrier single of their self-titled album.

Kasama si Marian Rivera sa video.

Magkahalo na kaba at excitement ang nararamdaman ng  inter-pop music group dahil hindi nila inaasahan na papayag si Marian na suportahan ang kanilang unang music video.


"Kinakabahan kami dahil star-struck kami kay Marian.

"Sobrang nakakataba ng puso ang pagpayag niya na lumabas sa music video namin. It's a big privilege for us," ang nagkakaisa na pahayag nina Yheen, Daisuke, Jeongwon, Kenji, Kiro, Jang at Sky na mas kilala bilang mga miyembro ng Down to Mars na regular na napapanood sa Party Pilipinas ng GMA-7.

Bilang paghahanda sa shoot ng music video, pinagbawalan na mag-swimming noong Holy Week ang miyembre ng group para hindi sila mangitim. Pinag-diet din sila para maging physically fit.

Tiniyak ng Down to Mars na ibang Marian ang mapapanood sa music video na gagastusan daw nang husto.

Magkakaroon ng grand launch sa Party Pilipinas sa May 27 ang kanilang music video at record album. Sabay din nilang ipagdiriwang ang unang anibersaryo ng kanilang grupo sa May 22.

"Thankful kami sa PolyEast Records dahil pumayag sila na  maging distributor ng aming debut album. It's very surreal.

"Hindi kami makapaniwala na mga recording artist na kami. Sana mabigyan namin ng justice ang trust nila sa amin," ang sabi ng grupo.

Original songs at sariling composition ng Down to Mars ang laman ng kanilang 6-track album.

Na-impress ang mga executive ng PolyEast Records sa mga kanta ng grupo pero nag-request sila na mag-compose ng Tagalog song.

Ang kantang "Nandito Lang Ako" ang naging resulta. Potential hit at puwedeng maging theme song ng teleserye ito.
                                                     

1  

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • mighty_thor

    04/22/2012 | 03:13 AM
    Alam mo Dolly_Golly...sa mga sinasabi mo, makikita kung gaano ka-panget ang pag-uugali mo. Wag ka na magpa-ewww...ewww dyan...halatang wala ka naman pinag-aralan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Dolly_Golly

    04/15/2012 | 10:32 AM
    ewwwwww kase hahanap din lang sila ng didikitan e yung wala pang kredibilidad as in zero acting award zero din sa boxoffice hit kulang pa sa emotion pag mag deliver ng dialogue,ewwwww talaga masasabi mo..lol...actually zero din sya pagdating sa respeto na nakukuha nya sa mga kapwa nya taga showbiz...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    04/15/2012 | 07:09 AM
    5 Dolly_Golly 04/14/2012 | 07:30 PM eewwwww!! with marian?! ewwwwww!!-----------------ito naman si Golly kung maka EWWWW EWWW parang kay ganda bwahahah...baka hindi din nalalayo ang pagmumukha mo doon sa gumawa ng I hate Marian sa FB...iyon ang really EWWWWWWWWW, YUCKKKKKK bwahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sexyducky

    04/14/2012 | 08:43 PM
    number 5, atleast c marian sikat . eh ikaw? yuuuucccckkkkkkkk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Dolly_Golly

    04/14/2012 | 07:30 PM
    eewwwww!! with marian?! ewwwwww!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • josueman

    04/14/2012 | 05:13 PM
    cnu mga to? not interesting topic sayang lang mga pepster, pagdating sa GMEw super highlight ang mga issues khit walang wenta..eish
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Speed_OfLight

    04/14/2012 | 03:35 PM
    sa lahat ng layasan, ikaw ang laging huli at napag-iiwanan sa balita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Pedrohh

    04/14/2012 | 02:32 PM
    guys nilalayasan na naman ang gma sa miss world philippines.. lumipat na sila sa TV5 paano kasi disapointed ang mga organizers kasi parang nasa peryahan lang sila nakakaloka....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • memayz

    04/14/2012 | 02:00 PM
    wow down to mars, naka-jackpot kayo ah na pumayag si marian rivera na makasama nyo sa inyong first music video, congrats!talagang it's a privilege na pag andyan ka sa gma7 ay makatambal/mapasama si marian maganda rin ang mga boses ng grupong ito based sa napapanood ko sa party pilipinas every sunday, marunong din silang sumayaw at mga hitsura goodluck again, keep it up, and once again congrats to your upcoming music video with marian, we're sure sold out ang album nyo/ w/ marian rivera ba naman eh, ang kulit ko lang hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About