After breaking up and making up a few times with boyfriend Emerson Chua, Nadine Samonte says love is sweeter the third time around. She describes the changes: “Very sweet in a way na hindi na siya lumalabas, ayaw na niyang lumabas, ayaw na niyang alam mo yun, yung ganun. Sa akin naman, siguro masasabi kong parang… siya na yung best friend ko!"

Photo: Noel Orsal

Wala pa raw plano si Nadine Samonte na mag-asawa.

“Wala pa, marami pa akong babayaran,” ang tumatawang sinabi ni Nadine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Matapos ang short-lived affair niya with male star Leandro Muñoz ay nagkabalikan sina Nadine at ang non-showbiz boyfriend niyang si Emerson Chua.

Mas maganda raw ang relasyon nila ni Emerson ngayon, the third time around.

Masasabi ba niyang mas tumindi ang kanilang pagmamahalan?

“Ang pagmamahal? Oo!”

May nabago?

“Sa kanya? Malaki. Sa akin  rin, medyo malaki rin.

“Sa kanya, very mature na in a way, naiiisip na niya ang tama...

“Ganun din naman siya dati, wala naman akong masasabi sa kanya, kaya lang... mas careful siya ngayon, alam mo yun?

“Very sweet in a way na hindi na siya lumalabas, ayaw na niyang lumabas, ayaw na niyang alam mo yun, yung ganun.

"Sa akin naman, siguro masasabi kong parang… siya na yung best friend ko!

“Dati na naman na siya yung best friend ko pero in a way na parang mas ano na ako, hindi lang naka-focus sa relationship as boyfriend/girlfriend, kundi sa ibang bagay.

“Na friends kayo, crush ninyo yung isa’t-isa, lovers kayo o kaya yung parang, alam mo yung ganun?”

HER ANSWER WILL BE "YES." Aminado naman si Nadine na napag-uusapan na nila ni Emerson ang tungkol sa kasal.