After weeks of talk that they have broken up, Heart Evangelista and Daniel Matsunaga somehow confirmed their breakup on Twitter.

Photo: Erwin Santiago

Matagal nang usap-usapan ang diumano’y breakup nina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga.

Pero sa mga huling interviews ng media kay Heart ay mariin niyang pinabulaanan ang balitang hiwalay na sila ng Brapanese model-actor.

Ipinagtanggol pa nga ng aktres si Daniel sa balitang may death threats daw ito kaya bumalik ng Brazil.

Ani Heart, may ipapa-opera lang ang model-actor na may kinalaman sa paghinga nito.

Sa huling panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart sa taping ng Legacy noong March 22 ay sinabi niyang nami-miss niya si Daniel.

Dagdag pa niya, araw-araw naman daw silang nagtatawagan at nag-uusap sa pamamagitan ng Skype.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero tila nakumpirma na ang matagal-tagal nang usap-usapan sa tunay na estado ng relasyon nina Heart at Daniel dahil sa tweets mismo ng dalawa.

Sa personal Twitter account ni Heart (@heart021485) ay nag-post siya ng mensaheng ito noong April 12, Huwebes:

“today i woke up with a different mind set:) when the end comes a new chapter begins:) its hearts time again:)”

Mas lalong umigting ang hinala ng marami na wala na nga sina Heart at Daniel dahil sa magkasunod na tweets na ito ng aktres ngayong araw, April 14:

“Being single is embracing growth:)”

“breakups don't always mean the other one was bad or we didn't love each other it could just be...we were too different.”

At tila nakumpirma na nga ang breakup ng dalawa dahil sa magkakasunod na tweets ni Daniel (@dmatsunaga) ngayong araw rin:

“just asking God...why? i tried”