news

Is there another feud brewing between Marian Rivera and Katrina Halili?

by Erwin Santiago posted on April 15, 2012  STATS: 176915 Views | 636 Comments

Katrina Halili (right) poured her heart out on Twitter about a person she refused to identify. Could it be be her My Beloved co-star Marian Rivera (left)?

Photo By: Courtesy of GMA-7

Nabuhay na naman ba ang alitan sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Katrina Halili?

Masama ang loob ni Katrina sa isang katrabaho kung ang pagbabasehan ay ang tweets ng aktres (@katrina_halili) sa social networking site na Twitter.

Magkakasunod ang tweets ni Katrina noong Biyernes, April 13, kung saan naglabas siya ng kanyang sama ng loob sa isang taong aniya’y “nai-insecure pa din” sa kanya.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Katrina. Pero base sa mga mensahe ng mga kaibigan niya sa Twitter, mahihinuha na ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Marian.

Magkasama sina Katrina at Marian sa primetime series ng GMA-7 na My Beloved—at dito nga nagsimula ang paglalabas ni Katrina ng kanyang saloobin.

“Sana mamatay na c Emmy sa mybeloved!” tweet ni Katrina bilang pagtukoy sa pangalan ng karakter niya sa serye.

Bilang Emmy, siya ang kontrabida sa pag-iibigan nina Sharina (Marian) at Benjie/Arlan (Dingdong Dantes).

Magkasintahan sa tunay na buhay sina Marian at Dingdong.

Dagdag pa ni Katrina, “Ewan ko ba.. Nachachakan na nga ako sa itsura ko, at katawan ko ngayon Kung baket may naiinsecure pa din saken”

Kasalukuyang buntis si Katrina sa anak nila ng boyfriend niyang si Kris Lawrence.

Dahil sa kanyang tweets ay hindi naiwasan ng ilang mga kaibigan at followers ni Katrina ang magtanong tungkol sa kanyang tinutukoy.

Ito ang magkakasunod na sagot ni Katrina sa mga ito:

“nagpipigil sya, pero dmatago talaga.”

“wag nay.. Malaking Tao to. (un ang tingin Nya sa sarili Nya.)”

“nay bka sabihin Nya pinag uusapan sya, ma quote and quote tayo. Wag na tyo mag drop ng names. Alam na naten un.bato bato sa langit”

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

636 Comments

  • 36  Dolly_Golly

    04/15/2012 | 12:38 PM
    baka naman nagiging over sensitive ka lang kat dahil buntis ka,dinidedma ba ni marian ang presence mo kaya hurt ang feelings mo? baka naman nature na ni marian yung pagiging bastos so dedma mo na lang at isipin mo na lang na since ugali na nya yan, maski kanino pwede nyang gawin yan as in lumalabas na lang sa kanya yan naturally..itigil mo na yang kaka tweet mo dahil unfair naman kay marian yan na may issue ka pala sa kanya samantalang wala syang kaalam alam..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 35  caitlinshine

    04/15/2012 | 12:37 PM
    sino ba ang nakarma at patuloy na pinagpala, si katrina na naging careless whisper star at nakita ang lahat lahat worldwide hanggang sa dvd sa quiapo, si rhian na naging abrtn queen, si bela na lahat ng show flop at ng fhm hindi bumenta, si hack na tuyot at ayun hiwalay na ng machunuring bf or si marian na top taxpayer at sunod sunod projects, triple tf pa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 34  jagjof

    04/15/2012 | 12:37 PM
    number 29....katawa post mo na mahirap daw ng hindi totoo ang buntis....lol. ang mga buntis nga ang sobrang tindi ng moods eh...sila nga yung may hormonal imbalance ...ikaw talaga, walang sense na naman ang pinagsasabi mo...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 33  jagjof

    04/15/2012 | 12:34 PM
    number 27, tanggap ng mga fans ni MR na palaban at maldita siya na nasa lugar.....hindi siya tulad ng idol mo na sweet ang dating pero kung makapang-mata ng mahihirap ay grabeh, daig pa si bisaya....bukod pa sa pagpalit ng season ay may bagong BF....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 32  sweetum

    04/15/2012 | 12:33 PM
    hay naku, Di pwedeng unang magsalita si Marian , kasi sya ang nang aaway. Gusto rin nyang kunin ang sympathy ng publiko, pero o bobs lang ang di mag analyze kung anong ugali meron sya. Di lang isa, dalawa ang nakaaway nya dahil sa insecurities nya. Inis man ako kay Katrina, pero dahil sa maselan nyang kalagayan, I believe na nagsasabi lang sya ng totoo, mahirap magsinungaling ang taong buntis. I liked Marian before, that was in Marimar days. she was the reason that we have Pinoy TV now. But when I saw her patol don sa isang fan, parang I can really see that she is capable of hurting people. I realized that she just have pretty face without context.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 31  jagjof

    04/15/2012 | 12:31 PM
    27 remind ko lang din sa iyo na bago sya umiyak si Marian sa TI presscon katakot-takot na tweets na pa-awa epek ang ginawa ng babaing sweet na papalit-palit ng BF na .......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 30  blessedlass

    04/15/2012 | 12:29 PM
    Sa comment no. 17, remind ko lang si Marian ang nagiiyak sa press con ng Temptation Island to announce na naapi siya ng nanay ni Heart.. siya ang kumuha ng simpatiya ng tao, na hindi din tama dahil wala si Heart at that time. Maski mga co-stars nila di nag agree sa mga pinagsasabi ni Marian.. at never talaga niyang i-a-announce na bully siya.. patago lang yun kundi wala na siyang career. Tama yung comment no. 18- dapat honeymoon mode lagi si MR at DD para di uminit ulo ni MR..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  pinktiger

    04/15/2012 | 12:29 PM
    walang twitter si MR kc nde nman maruno ng, nde nya masakyan ang techno. Tahimik si MR sa kaaway nya otherwise mahahalata tunay na ugali nya at manner, weakness sa communication. Pangarap na gising sa altar bagsak nila ni DD.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  jagjof

    04/15/2012 | 12:28 PM
    Marian ikaw ang pinaka-magandang MALDITA...lol! Yung ibang nang-aaway sa iyo, hayaan mo na silang sweet sweet kunyari....yung isa papalit-palit ng BF, yung isa buntis at yung isa sinabihang racist....lol! sila yung mga sweet-sweetan na umaaway sa iyo.....MABUHAY ANG PINAKA-MAGANDANG MALDITA SA BALAT NG LUPA!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  pinaysausa

    04/15/2012 | 12:27 PM
    kOREKEk! .... sino ang gusto nyo MALDITA or PA sWEET???..... PA sWEET na nang agaw ng bf sa isang taong napakabait sa kanya at tinuring ciang parang kapatid..naging libre pa ang mga retoke nya sa mukha at buong katawan....or isang MALDITA na marunong lang magpakatotoo???? HELLOOOO!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  jagjof

    04/15/2012 | 12:26 PM
    Kung gusto talaga ni Kat ng PEACE tulad ng sabi nya, bakit hindi nya kinausap si MR ng harapan at bakit sa publiko nya ginawa at wag daw pangalanan eh obvious naman na si MR ang tinitira nya sa twit nya....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  pinaysausa

    04/15/2012 | 12:22 PM
    well,,, u can very well know this girl...thru her choice of words...hmmm.. sino ang may attitude????
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  jagjof

    04/15/2012 | 12:20 PM
    Atleast si Marian MALDITA lang at hindi pa-sweet. Yung pa-sweet na umaaway sa kanya, ayun buntis na at yung isa naman pa-sweet na papalit-palit ng BF at yung isa sinabihang racist......o ayan ang mga pa-sweet na image na gusto nyo...Dun na lang ako sa tunay na tao, MALDITA man, pero atleast pinaka-maganda...hahahhah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  kalapati7

    04/15/2012 | 12:18 PM
    naku, gasgas na yang reason para gamitin ang pangalan ni phenomenal primetime queen! hinaharap dapat kung totoo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  ka_epal

    04/15/2012 | 12:17 PM
    palagi na lang may kaaway... SHAME ON YOU! SHAME ON GME!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  sweetum

    04/15/2012 | 12:17 PM
    Alam nyo Marian fanatics, kung isa lang sanang artista ang nagrereklamo sa ugali ng idolo nyong Marian, ok lang eh, pero sa daming inaaway nya, meron talagang pagka maldita yan si Marian. Sana nga mawala na ang kasikatan nya , lalo na ngayong di sya namamayagpag sa primetime. Talaga dapat magsanib pwersa ang mga kinalaban nya. Hay DD, tama lang yan, go at maghoneymoon nalang lagi kayo nyan, after pagsawaan mo iwanan mo na.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  jagjof

    04/15/2012 | 12:16 PM
    NEVER na nag-start si MR ng away sa publiko. Hindi siya umuurong, pero hindi siya ang unang inaaway. Simula pa lang kay heart, kay bela at kay kat, sila yung mahilig mag-announce sa publiko dahil gusto nila ng simpatya. Si MR never na nag-ask ng simpatya dahil alam nya ang totoo at alam nya kung paano lumaban. So what kung MALDITA si MR? Atleast maldita siya at hindi PLASTIC at pa-sweet ang dating pero nungkang napaka-maldita pala sa tunay na buhay. Si MARIAN ang PINAKA-MAGANDANG MALDITA sa ibabaw ng mundo....lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  kalapati7

    04/15/2012 | 12:13 PM
    this is not true. madali na lang gawan ng bad attitude si MR dahil nakagisnang gawin ng mga babae against her na inggit! pero wala ka pa rin maririnig sa tao, gamitin ba naman ni katrina pagbubuntis nya para ilabas daw kuno ang sama ng loob, pero hindi kayang sabihin sa harapan ng sinasabing umaaway sa kanya! two faced pala sya ha ha ha! or naglilihi lang!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  bac_tol

    04/15/2012 | 12:12 PM
    hmmmm...lahat naman ng nakakaaway ni MR lagi sinasabi insecure lang sa kanya or ginagamit lang sya. pero sa dami na nila hindi ba "the record speaks for itself." naku baka awayin ako ng mga panatiko dito. scary! haha! wag kayong mag-alala, hindi na naman papatulan ng idolo nya yan. masyado na syang big star para patulan ang mga nega na nakiki ride on lang sa katanyagan nya? di ba di ba? hehe....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  pinay123

    04/15/2012 | 12:10 PM
    she is pregnant and hormonal...i like her though. in my opinion, celebrities/actors should really keep this stuff to themselves. these things happen in everyday life at work. not a big deal and not newsworthy either.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About