Katrina Halili (right) poured her heart out on Twitter about a person she refused to identify. Could it be be her My Beloved co-star Marian Rivera (left)?

Photo: Courtesy of GMA-7

Nabuhay na naman ba ang alitan sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Katrina Halili?

Masama ang loob ni Katrina sa isang katrabaho kung ang pagbabasehan ay ang tweets ng aktres (@katrina_halili) sa social networking site na Twitter.

Magkakasunod ang tweets ni Katrina noong Biyernes, April 13, kung saan naglabas siya ng kanyang sama ng loob sa isang taong aniya’y “nai-insecure pa din” sa kanya.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Katrina. Pero base sa mga mensahe ng mga kaibigan niya sa Twitter, mahihinuha na ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Marian.

Magkasama sina Katrina at Marian sa primetime series ng GMA-7 na My Beloved—at dito nga nagsimula ang paglalabas ni Katrina ng kanyang saloobin.

“Sana mamatay na c Emmy sa mybeloved!” tweet ni Katrina bilang pagtukoy sa pangalan ng karakter niya sa serye.

Bilang Emmy, siya ang kontrabida sa pag-iibigan nina Sharina (Marian) at Benjie/Arlan (Dingdong Dantes).

Magkasintahan sa tunay na buhay sina Marian at Dingdong.

Dagdag pa ni Katrina, “Ewan ko ba.. Nachachakan na nga ako sa itsura ko, at katawan ko ngayon Kung baket may naiinsecure pa din saken”

Kasalukuyang buntis si Katrina sa anak nila ng boyfriend niyang si Kris Lawrence.

Dahil sa kanyang tweets ay hindi naiwasan ng ilang mga kaibigan at followers ni Katrina ang magtanong tungkol sa kanyang tinutukoy.

Ito ang magkakasunod na sagot ni Katrina sa mga ito:

“nagpipigil sya, pero dmatago talaga.”

“wag nay.. Malaking Tao to. (un ang tingin Nya sa sarili Nya.)”

“nay bka sabihin Nya pinag uusapan sya, ma quote and quote tayo. Wag na tyo mag drop ng names. Alam na naten un.bato bato sa langit”