news

Vilma Santos says her son Luis Manzano is happy with Jennylyn Mercado: "He’s very comfortable—ang anak ko ngayon. Bihirang uminit ang ulo niya."
by Jimi C. Escala posted on April 15, 2012  STATS: 19904 Views | 9 Comments

Vilma Santos narrates how she became a stage mother when her youngest son Ryan Christian appeared on ASAP: “Ibinilin ko kasi kay Luis, ‘Anak bantayan mo ang kapatid mo.'  Palagyan niya ng makeup si Ryan, huwag niyang iwan ang kapatid niya, bantayan niya ito nang husto kasi naninibago yan dahil pang bakasyon lang ‘yan lumalabas," she begins. “Naku, sagot ba naman ni Luis sa akin, 'Of course, pero Mom, I would just like to remind you, I’m not the yaya and I’m also your son!'”

Photo By: File Photos

Special guest at contestant ang Star For All Seasons, Vilma Santos, sa birthday presentation ni Luis Manzano sa kanyang programang Kapamilya Deal or No Deal.

Malaking halaga ang napanalunan ni Ate Vi. Dahil para sa charity ang napanalunan, naglambing si Ate Vi at pinagbigyan ito ng anak na si Luis para madagdagan ang ibibigay ng aktres at politician sa kanyang piniling organisasyon na may kinalaman sa health and education.

“Si Luis naman, e, madaling malambingan, basta sa mga bagay na ‘yan. Kuripot yan sa ibang bagay.

"Halimbawa, birthday mo. Wag kang mag-expect kung hindi ka niya girlfriend,” ang natatawang kwento ni Governor Vi nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos niyang mag-guest sa ABS-CBN game show na ipapalabas sa mismong kaarawan ni Luis.

“Marunong kasi sa buhay ang anak ko pero anything about charity, e, madaling lapitan ‘yan.

"I don’t think kuripot ang anak ko. Siguro, marunong lang humawak ng pera niya.

“Kasi sa totoo lang, kung nakausap mo yung mga natulungan niya, na hindi naman niya sinasabi, pero alam ko kung sino, e. Matutuwa ka sa sobrang pagkamatulungin ng anak ko pagdating sa mga talagang alam niyang nangangailangan,” dagdag pa ni Ate Vi.

Inamin rin ni Ate Vi na pagdating sa pera at negosyo, si Luis daw mismo ang nagdedesisyon.

“That’s one thing kasi kung ano ang meron si Lucky, e, tinatrabaho niya ‘yan. Hindi namin alam, nalaman na lang namin na nagpapapirma siya because he is putting up a taxi business.

“So, magugulat na lang kami, pero siyempre ido-double check namin ang mga dokumento. Marunong talaga ang anak ko, even his earnings alam niya kung saan niya ilalagay."

So, pati sa sinasabing pagpasok ni Luis sa politiko ay hindi na rin makikialam si Governor Vi?

“Well, siyempre, bahala na ang anak ko magdesisyon sa bagay na ‘yan. Nu’ng tinanong ko siya, 'Any plans for 2013?' Ang sagot niya, e, baka hindi pa,” banggit pa rin ni Governor Vi.


HOLY WEEK VACATION. Sa Singapore nagpalipas ng Holy Week sina Ate Vi, kasama ang buong pamilya maliban kay Luis. Kamusta ang bakasyon?

“Well, Masaya. Time to unwind lang para sa akin.

"Sa totoo lang kasi, umalis kami, peak season. Tuesday kami umalis, medyo nasa room lang ako ng Friday, Saturday at Sunday dahil hindi ako makaalis dahil sa dami ng tao.

“But I enjoyed, naman Tuesday, Wednesday at Thursday," ang sabi niya.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • hototguy

    04/16/2012 | 09:43 PM
    Malambing si ate Vi sa mga anak nya, kaswerteng mga bata at hindi lahat ng Showbis nanay ay katulad nya. love u te Vi!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • JokoNazMan

    04/16/2012 | 04:11 PM
    Itong si milomilo123, sobrang bitter sa buhay...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • JokoNazMan

    04/16/2012 | 04:09 PM
    Congrats Ate Vi for the good raising Luis and Ryan. Good luck and more power sa The Healing! You're such an epitome of a very succesful persona, family, career, as public servant etc. etc. Kaw na, kaw na noon, ngayon at magpakailanman....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • JokoNazMan

    04/16/2012 | 04:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    04/16/2012 | 03:42 PM
    milo2xutak, magdasal ka na lang para sa idolo mo. Gumaling na sana sya at ng makapagsimula ulet! Yan ang atupagin nyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    04/16/2012 | 03:39 PM
    milo2xutak, insecure ka ano kay ate Vi? well ganyan talaga ang buhay ng sikat, madami ang naiinggit. Anu man ang kanyang gawin laging nakabuntot ang mga tulad mo. Sakit sa puso ang mangyayare sa yo. Abangan mo ang THE HEALING at ng gumaling ka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    04/15/2012 | 11:50 PM
    Ibig bang sabihin ate VI palaging mainit ang ulo ni Luis noong sila pa ni GANUN? Hmmm, siguro laging bitin si Luis kasi si GANUN lang ang NAG GAGANUN ahihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    04/15/2012 | 10:39 PM
    maingay ang lady of taal ngayon puro showbiz ang balita hindi na ang mga konstituens nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    04/15/2012 | 09:00 PM
    Ate vi kaya po d umiinit lagi ulo ni luis kasi po laging dilig na dilig hahaha hindi sya tigang d gaya noon na kelangan pa mag 1nyt para mairelease ang init. Good vibes silani jen good sana ay altar na ang ending nila para everybody is happy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About