Vilma Santos narrates how she became a stage mother when her youngest son Ryan Christian appeared on ASAP: “Ibinilin ko kasi kay Luis, ‘Anak bantayan mo ang kapatid mo.'  Palagyan niya ng makeup si Ryan, huwag niyang iwan ang kapatid niya, bantayan niya ito nang husto kasi naninibago yan dahil pang bakasyon lang ‘yan lumalabas," she begins. “Naku, sagot ba naman ni Luis sa akin, 'Of course, pero Mom, I would just like to remind you, I’m not the yaya and I’m also your son!'”

Photo: File Photos

Special guest at contestant ang Star For All Seasons, Vilma Santos, sa birthday presentation ni Luis Manzano sa kanyang programang Kapamilya Deal or No Deal.

Malaking halaga ang napanalunan ni Ate Vi. Dahil para sa charity ang napanalunan, naglambing si Ate Vi at pinagbigyan ito ng anak na si Luis para madagdagan ang ibibigay ng aktres at politician sa kanyang piniling organisasyon na may kinalaman sa health and education.

“Si Luis naman, e, madaling malambingan, basta sa mga bagay na ‘yan. Kuripot yan sa ibang bagay.

"Halimbawa, birthday mo. Wag kang mag-expect kung hindi ka niya girlfriend,” ang natatawang kwento ni Governor Vi nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos niyang mag-guest sa ABS-CBN game show na ipapalabas sa mismong kaarawan ni Luis.

“Marunong kasi sa buhay ang anak ko pero anything about charity, e, madaling lapitan ‘yan.

"I don’t think kuripot ang anak ko. Siguro, marunong lang humawak ng pera niya.

“Kasi sa totoo lang, kung nakausap mo yung mga natulungan niya, na hindi naman niya sinasabi, pero alam ko kung sino, e. Matutuwa ka sa sobrang pagkamatulungin ng anak ko pagdating sa mga talagang alam niyang nangangailangan,” dagdag pa ni Ate Vi.

Inamin rin ni Ate Vi na pagdating sa pera at negosyo, si Luis daw mismo ang nagdedesisyon.

“That’s one thing kasi kung ano ang meron si Lucky, e, tinatrabaho niya ‘yan. Hindi namin alam, nalaman na lang namin na nagpapapirma siya because he is putting up a taxi business.

“So, magugulat na lang kami, pero siyempre ido-double check namin ang mga dokumento. Marunong talaga ang anak ko, even his earnings alam niya kung saan niya ilalagay."

So, pati sa sinasabing pagpasok ni Luis sa politiko ay hindi na rin makikialam si Governor Vi?

“Well, siyempre, bahala na ang anak ko magdesisyon sa bagay na ‘yan. Nu’ng tinanong ko siya, 'Any plans for 2013?' Ang sagot niya, e, baka hindi pa,” banggit pa rin ni Governor Vi.


HOLY WEEK VACATION. Sa Singapore nagpalipas ng Holy Week sina Ate Vi, kasama ang buong pamilya maliban kay Luis. Kamusta ang bakasyon?

“Well, Masaya. Time to unwind lang para sa akin.

"Sa totoo lang kasi, umalis kami, peak season. Tuesday kami umalis, medyo nasa room lang ako ng Friday, Saturday at Sunday dahil hindi ako makaalis dahil sa dami ng tao.

“But I enjoyed, naman Tuesday, Wednesday at Thursday," ang sabi niya.