Vilma Santos narrates how she became a stage mother when her youngest son Ryan Christian appeared on ASAP: “Ibinilin ko kasi kay Luis, ‘Anak bantayan mo ang kapatid mo.'  Palagyan niya ng makeup si Ryan, huwag niyang iwan ang kapatid niya, bantayan niya ito nang husto kasi naninibago yan dahil pang bakasyon lang ‘yan lumalabas," she begins. “Naku, sagot ba naman ni Luis sa akin, 'Of course, pero Mom, I would just like to remind you, I’m not the yaya and I’m also your son!'”

Photo: File Photos

Kahit sa hotel lang daw si Ate Vi at hindi siya gaanong nakapag-ikot nang husto sa Singapore, enjoy na daw siya.

“Doon naman sa loob ng hotel, e, marami ka na ring maiikutan. Meron ng stores doon, casino, may musical theater, okey na ako roon.

Baka matsismis siyang nagkaka-casino?

“Well, sumilip ako sa casino, naglaro ako ng two cents, ano naman ang masama roon di ba? Hindi naman porke naglaro ka na, e, sugarol ka na talaga,” sabi ni Ate Vi.

Dapat daw kasama rin nila si Luis, pero dahil sa promo ng pelikula nitong Moron 5 ay hindi nakasama ang panganay na anak niya.

Alam naman ni Ate Vi na kasama ni Luis ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado at nag-beach ang dalawa sa Punta Fuego sa Batangas.


MORE COMFORTABLE WITH LUIS. This is Governor Vi's second time to be a contestant on Kapamilya Deal or No Deal. Her first time was when Kris Aquino was hosting the show.

“Kinakabahan pa rin ako, pero hindi kagaya nung kay Kris.

"Kris Aquino yun. Plus the fact na that was my first encounter. Talagang nakakakaba.

"But this time, e, hindi na masyado, anak ko pa ang host. Ang feeling ko, e, parang nagkukuwentuhan lang kami sa bahay.

“Hindi ako natatakot sa kanya, ganyan din naman kami mag-usap sa bahay. Kagaya ng sinabi kong ‘Sagutin mo na lang anak.' Ganun na ganun kami."

Puring-puri ni Governor Vi ang anak na si Luis.

“Ang galing talaga ng anak ko. Walang biro 'yan. Sariling kayod ‘yan si Lucky.

"Kung ano ang natutunan niya, kung ano yang na-develop sa character niya, lahat yan sa kanya ‘yan.

“May sariling trabaho tatay niya, may sarili akong trabaho, kahit nandito kami to guide him.

“Pero in anything na meron siya ngayon, e, pinagtrabahuan niya yun. Hindi kami nakialam. Ganu’n namin siya pinalaki,” pagmamalaki ng premyadong aktres.