Vilma Santos narrates how she became a stage mother when her youngest son Ryan Christian appeared on ASAP: “Ibinilin ko kasi kay Luis, ‘Anak bantayan mo ang kapatid mo.'  Palagyan niya ng makeup si Ryan, huwag niyang iwan ang kapatid niya, bantayan niya ito nang husto kasi naninibago yan dahil pang bakasyon lang ‘yan lumalabas," she begins. “Naku, sagot ba naman ni Luis sa akin, 'Of course, pero Mom, I would just like to remind you, I’m not the yaya and I’m also your son!'”

Photo: File Photos

May posibilidad ba na kung ano man ngayon si Luis ay maaaring maging ganu’n rin ang bunsong si Ryan Christian?

“Mahilig din si Ryan. If you can see him dance, showbiz din siya.

"Sa totoo lang, yung interest niya andun din, e, okey na lang muna sa ngayon kasi nag-aaral pa naman ang anak kong ito,” sabi ni Governor Vi, sabay yakap sa anak niyang si Ryan Recto.

Walang problema naman daw kung magge–guest si Ryan sa mga shows ngayong bakasyon, pero pagdating daw sa mga araw na may pasok ay hindi raw pupuwede kahit gaano pa kalaki ang offer.


STAGE MOM. Ikinuwento na rin sa amin ni Ate Vi na naging stage mother daw siya nu’ng mag guest si Ryan sa ASAP.

“Ibinilin ko kasi kay Luis, ‘Anak bantayan mo ang kapatid mo.'  Palagyan niya ng makeup si Ryan, huwag niyang iwan ang kapatid niya, bantayan niya ito nang husto kasi naninibago yan dahil pang bakasyon lang ‘yan lumalabas.

“Naku, sagot ba naman ni Luis sa akin, 'Of course, pero Mom, I would just like to remind you, I’m not the yaya and I’m also your son!'” tawang-tawa pang kwento ni Ate Vi.

Siyempre, dapat  lang na ipagmalaki ni Governor Vi ang mga anak niyang sina Luis at Ryan.

Sa mga achievements ngayon ni Luis, as actor and businessman, hindi malayong mapantayan o mahigitan pa ito ng bunsong si Ryan Christian.

“Tingnan n’yo ang anak ko ngayong si Ryan. After I quit Vilma! [TV show ni Ate Vi], dahil sa pagbubuntis ko sa kanya, tingnan n’yo siya ngayon. Nag-quit ako ng Vilma! because I was pregnant.

“Kahit na sobrang pagod ako galing sa trabaho, 'pag nakita ko lang ang mga anak ko, e, parang nagasolinahan na ako ulit,” sabay haplos pa rin ni Ate Vi sa anak na si Ryan.


RYAN MORE SERIOUS? Mukhang mas seryoso si Ryan kumpara sa pagiging kalog ni Luis Manzano. Ano ang masasabi ni Ate Vi tungkol dito?

“Well, sira rin ulo ni Ryan... Makulit din 'yan pag nasa bahay na at kami-kami na lang.

“Kaya lang, madalas niyong nakikita si Lucky na nagpapatawa. Si Ryan din naman, e, mahilig ding mangulit at nagpapatawa sa amin.

"Kaya nga ako ang kawawa sa bahay pag nagsama-sama kaming lahat.

“Kumbaga, kung kasama ko, si Lucky, Ryan and Ralph sa bahay, oh my God, riot ang bahay namin.

"Ako ang kawawa dahil saway ako nang saway sa kanila,” pa-iling-iling pang banggit ni Ate Vi sa amin.    


ON JENNYLYN MERCADO. Habang isinalang si Governor Vi sa Kapmilya Deal or No Deal, nasa audience naman ang girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado.