Karylle on learning about her nomination: “Actually first time kong ma-nominate ng Best Actress, palaging Best Supporting and di pa ako pinapalad na manalo ng acting award. Natutuwa lang ako na for the first time naka-receive ako ng nomination, sa ibang bansa pa," she says.

Photo: File Photo

“Everything paid off,” ito ang naging pahayag sa amin ni Karylle Tatlonghari nang hingan siya ng reaksyon sa pagkakanominado niya as Best Actress sa 52nd Monte Carlo TV Festival para sa mahusay na pagkaganap niya sa Kitchen Musical.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-actress, Wednesday, April 11, sa set ng Showtime.

 
 
Ayon kay Karylle, ibang saya ang nararamdaman niya ngayon dahil ang nominasyong ito ay nanggaling pa sa ibang bansa kung saan mahuhusay at da-kalibreng  mga aktres ang makakalaban niya.
 
 
“Iniisip ko baka di naman totoo o mali lang yung pagkakabasa. Kasi sa Internet lang nila nahanap, tapos marami na ang nagko-congratulate.
 
 
"After the vacation, nakita ko sa computer yung list ng nominees. Napakadami at napakagagaling na mga artista.
 
 
"Naiyak talaga ako nung nabasa ko, nakakaiyak talaga na mapabilang ka sa isang nominasyon na ganun.
 
 
“Ako, everytime na mayroong Pinoy na nagkakaroon ng ganyang karangalan palagi akong, 'Uy narinig mo  ba yung ganito, ganyan?'
 
 
"Ngayon na nangyari  sa akin, Wow! Parang ang sarap ng feeling.”
  
 
Ito ang kauna-unahang pagkakataong na-nominate siya as Best Actress at nagmula pa ito sa ibang bansa.
 
 
“Actually first time kong ma-nominate na Best Actress, palaging Best Supporting, and di pa ako pinapalad na manalo ng acting award.
 
 
"Natutuwa lang ako na for the first time, naka-receive ako ng nomination, sa ibang bansa pa," sabi ni Karylle.
 
 
“Nakakatuwa naman, all the hard work in Singapore paid off.
 
 
"Siyempre alam ng mga OFWs, mga TFC subscribers natin, kung ano ang pinagdaraanan ng isang OFW (overseas Filipino worker).
 
 
"Kahit maikli lang yung panahon na yun, nahirapan talaga ako," aniya.
 
 
"Never ako nabukod sa family ko in my life.
 
 
"Aside from the challenge of acting in English—kahit na Inglesera ako—inaamin ko na talagang naubusan ako ng English.
 
 
"Talagang inamin ko yun sa mga co-actors ko and they were very supportive and very helpful especially yung mga Pinay na kasama ko.
 
 
"Naging okay and at least ito na yung resulta," aniya.
 
 
NEW YORK FESTIVAL, TOO. Nominado rin pala ang Kitchen Musical sa  55th New York Festival.
 
 
“Nominated din kami sa New York Festival na magaganap next week. Pero magaganap siya sa Las Vegas, our director will be there. Sa writing and performance categories yung nomination dun," balita ng singer-actress.
 
 
Para kay Karylle, ang maging parte lang ng Kitchen Musical ay malaking karangalan na para sa kanya.
 
 
“Lagi naman akong inspired, may nomination man o wala. Palaging pinapadama ng mga Filipino na proud sila pag pinapanood  nila yung Kitchen Musical.
 
 
“Just to be in this project is such a big honor. Big, kasi talagang ‘yan yung matagal na matagal ko nang iniisip na mangyayari sa akin one day, at heto na nga yun,” aniya.
   
 
ON ZIA AND DOLPHY. Sa ngayon ay gumagawa na rin ng sariling pangalan sa music industry ang nakakabatang kapatid ni Karylle na si Zia Quizon. 
 
 
May mga intrigang naglalabasan na mas magaling daw kumanta si Zia kaysa kay Karylle. Ano ang reaksyon niya rito?
 
 
“Napakagaling, mas maganda ang boses niya, mas mahusay talaga, magaling maggitara, lahat, mas sexy, mas maganda," ang sabi ni Karylle tungkol sa kapatid.
 
 
"Hay naku, pag ikaw ang kapatid, talagang mas magaling ang kapatid mo, mas proud na proud ka sa kanya."
 
 
Nagbigay din siya ng assurance na si Dolphy ay nasa maayos na kalagayan. Marami pa rin kasi ang nag-aalala sa kalusugan ng Comedy King, lalo’t 83 years old na ito.
 
 
Tinanong namin si Karylle kung paano ba niya sinusuportahan ang ina niyang si Zsa Zsa Padilla.
 
 
“I’m just there for her always.”