Rufa Mae Quinto explains why she's leaving Showbiz Central: "Career move. Iyon nga, maraming gagawing projects at tsaka iyon ang na-feel ko e, paggising ko. Parang… gusto kong magbiyahe ng walang traffic, alam mo yung ganun?"

Photo: Noel Orsal

“By the way, to all my followers, I wanna say goodbye and thank you sa lahat ng natuwa at nanood sa Showbiz Central. Ako po’y magpapaalam na, huling linggo ko.”

Ito ang kontrobersyal na tweet ni Rufa Mae Quinto kaninang umaga.

Kaya naman sa Showbiz Central kanina, April 15, bilang isa sa mga co-hosts ng show ay nagbigay na ng kanyang mga pahayag ang sexy comedienne/host.

Noong una kasi ay may mga nag-akala na na-hack ang Twitter account ni Rufa Mae at baka hindi siya ang nag-tweet ng naturang mensahe.

“In fairness, hindi pa naman po naha-hack ang Twitter account ko, ako pa rin po iyon.

"Wala… I woke up today, so paggising ko, lahat ng followers ko, parang sila lang yung… parang gusto kong ilabas yung feelings ko kaya nai-tweet ko iyon,” umpisang pahayag ni Rufa Mae.

Ang isa pang tweet ni Rufa Mae ay…

“Okay lang mga friends, mapapanood ninyo pa rin ako sa Ride To Love [her upcoming movie]. Okay lang.”

“I miss my Sundays; it’s been 11 years akong nagtatrabaho pag linggo.”


CAREER MOVE. Humarap si Rufa Mae sa Showbiz Central co-hosts niyang sina Jennylyn Mercado, John “Sweet” Lapus, at Raymond Gutierrez at ang unang tanong kay Rufa Mae ay kung bakit siya nagdesisyon na iwan na ang naturang showbiz talk show? Na-burnout ba siya?

“No, no hindi iyon. Career move. Iyon nga maraming gagawing projects at tsaka iyon ang na-feel ko e, paggising ko.

"Parang… gusto kong magbiyahe ng walang traffic, alam mo yung ganun?

“Kasi 11 years, magmula pa noong nasa SOP ako, nagtatrabaho na ako tuwing Linggo. So parang lagi, tuwing Linggo, hindi ko na maramdaman yung family day, church day.

“But of course, hindi lang naman iyon ang reason, kumbaga, isa yun sa mga reasons ko.”

Bago siya nag-tweet about her decision, sino na ang nasabihan niya about this?

“Well, very ano kasi, galing ako sa Viva Films, kay Boss Vic at kay Veronique [del Rosario] nung Friday.