Jose Manalo (in photo) and his wife Anna Lyn failed to reach an amicable settlement after meeting for 20 minutes at the office of  San Juan Fiscal Maria Dina Paulino on April 11. Anna Lyn has filed a case against Jose in violation of the Anti-Violence Against Women and Children Act.

Photo: Noel Orsal

Ayon sa report ng Showbiz Central kanina, April 15, no amicable settlement ang naging resulta ng halos dalawampung minutong paghaharap nina Jose Manalo at asawa nitong si Anna Lyn sa loob ng opisina ni San Juan Fiscal Maria Dina Paulino noong Miyerkules, April 11. 

Dahil bigong magkaroon ng  pag-aayos, magpapatuloy ang isinampang kaso ni Anna Lyn laban sa TV host/comedian na paglabag umano sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children.

Matapos ang paghaharap, pormal na nagsumite si Jose ng kanyang counter-affidavit kontra sa mga inihain ng kanyang asawa noong Pebrero.

Pagkalabas ng opisina, sa pambihirang pagkakataon ay sumagot si Jose sa nag-aabang na media tungkol sa isyu.

“Ayaw paayos, hindi na iniintindi kung ano, parang lahat ng kailangang kitain ko, nandun.

“Kailangan ko ring mabuhay e,” ang naging pahayag ni Jose.

Ano ang gusto talagang mangyari ni Jose?

“Lagi ko namang sinasagot yan, ang concern ko lang is yung mga bata.”

Ayon pa kay Jose, nami-miss na niya ang mga anak niya…

“Darating din siguro yung right time para magkikita-kita kami, para ma-explain ko sa kanila,” pahayag pa ni Jose.

Ang kaso ay bunsod ng umano’y pag-aabandona ni Jose sa kanyang asawa  at tatlong anak simula noong Enero.

Nakatakdang magharap muli ang magkabilang kampo sa April 25 kung saan inaasahan naman ang pagsumite ni Anna Lyn  ng sagot sa counter-affidavit ni Jose.