news

Jose Manalo and wife Anna Lyn fail to reach amicable settlement

by Rommel Gonzales posted on April 15, 2012  STATS: 17065 Views | 30 Comments

Jose Manalo (in photo) and his wife Anna Lyn failed to reach an amicable settlement after meeting for 20 minutes at the office of  San Juan Fiscal Maria Dina Paulino on April 11. Anna Lyn has filed a case against Jose in violation of the Anti-Violence Against Women and Children Act.

Photo By: Noel Orsal

Ayon sa report ng Showbiz Central kanina, April 15, no amicable settlement ang naging resulta ng halos dalawampung minutong paghaharap nina Jose Manalo at asawa nitong si Anna Lyn sa loob ng opisina ni San Juan Fiscal Maria Dina Paulino noong Miyerkules, April 11. 

Dahil bigong magkaroon ng  pag-aayos, magpapatuloy ang isinampang kaso ni Anna Lyn laban sa TV host/comedian na paglabag umano sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children.

Matapos ang paghaharap, pormal na nagsumite si Jose ng kanyang counter-affidavit kontra sa mga inihain ng kanyang asawa noong Pebrero.

Pagkalabas ng opisina, sa pambihirang pagkakataon ay sumagot si Jose sa nag-aabang na media tungkol sa isyu.

“Ayaw paayos, hindi na iniintindi kung ano, parang lahat ng kailangang kitain ko, nandun.

“Kailangan ko ring mabuhay e,” ang naging pahayag ni Jose.

Ano ang gusto talagang mangyari ni Jose?

“Lagi ko namang sinasagot yan, ang concern ko lang is yung mga bata.”

Ayon pa kay Jose, nami-miss na niya ang mga anak niya…

“Darating din siguro yung right time para magkikita-kita kami, para ma-explain ko sa kanila,” pahayag pa ni Jose.

Ang kaso ay bunsod ng umano’y pag-aabandona ni Jose sa kanyang asawa  at tatlong anak simula noong Enero.

Nakatakdang magharap muli ang magkabilang kampo sa April 25 kung saan inaasahan naman ang pagsumite ni Anna Lyn  ng sagot sa counter-affidavit ni Jose.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

30 Comments

  • 10  malaya2007

    04/16/2012 | 08:56 AM
    dapat kasi kinuha na lang nya yung mga anak nya kung concern talaga sya,iwan nya yung asawa nya pede naman yun eh unfit mother maipapanalo nya yun sa batas, kaso me sabit na sya ngayon di nya maisama ang mga bata kaya magdusa sya, unahin ba ang init ng katawan kesa daw sa concern sa nga anak. Pareho kayo ng asawa mo loko.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • malaya2007

    04/16/2012 | 08:45 AM
    set aside ko na na walang modo ang asawa nya. Pero kung akong matino iiwanan ng asawa ko ng ganon ganon lang uubusin ko talaga lahat ng pera nya, sisiguraduhin ko kakain ng masarap ang mga anak ko 3-5x a day kumayod syang parang kalabaw para sa babae nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    04/16/2012 | 08:28 AM
    hindi mo obligasyon ang asawa mo pag maghiwalay na kayo. ang anak mo lang ang dapat sustentuhan mo. sabihin mo sa asawa mo na magtrabaho.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • rhianlibog

    04/16/2012 | 07:21 AM
    ang kapal ng mukha ng asawa ni jose.sarap batukan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • daring_nina

    04/16/2012 | 07:01 AM
    dupang naman kasi ng asawa nito mukhang madyongera at reyna ng saklaan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bulagafan

    04/16/2012 | 06:35 AM
    Buti sana kung mayaman na mayaman na sila. Mauubos ang pera nila kababayad sa mga abugado. Sana sa mga bata na lang nila ilaan yun. Huwag na sana nilang gawing dahilan ang mga bata.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • boloboy1000_diva

    04/16/2012 | 06:08 AM
    kawawang jose dahil may ganid n asawa xa....gusto ng asawa kwarta n d nmn nya pinagpaguran...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    04/16/2012 | 05:57 AM
    gusto nya kanya lahat ang pera para me pambayad sya sa nga inistafa nya..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    04/15/2012 | 10:34 PM
    kawawang jose...dating pulubi mamumulubi nanaman dahil sa kagagawan ng walang wentang mukhang perang asawa...kaya pala kahit sa america kailngang rumaket ni jose para sa sarili nya dahil gusto ng asawa nya na kanya lahat ng sahod ni jose...aba eh mukhang pera nga.. hay naku..dabarkads jose...god bless!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tatoyadik

    04/15/2012 | 10:27 PM
    mukha nga tlgang pera ung babae...tsk tsk tsk...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About