Julie Anne San Jose is a multi-talented singer who started her career when she competed in Pop Star Kids, a national televised singing competition for children hosted by Kyla. She went on to become a recording star singing theme songs for GMA-7 shows such as Dyesebel, The Last Prince, and Pilyang Kerubin. Julie Anne will be launched in the movie Just One Summer opposite Elmo Magalona.

Photo: Noel Orsal

Sobrang inspired sa kanyang career ngayon si Julie Ann San Jose dahil sunud-sunod ang magagandang breaks at opportunities na dumarating sa kanya.

Isa na rito ang kanyang first album na tinatapos i-record ngayon.

       

“Ongoing pa rin po yung recording ng album ko,” kuwento niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng Party Pilipinas noong Linggo, April 15.

     

“And lahat po ng songs dito, magaganda. Kaya I’m sure magugustuhan ito ng mga tao.”

       

Ano ba ang genre ng mga kanta niya rito?

      

“Halo-halo po, e—may rock, may R&B, may acoustic din po. 

“’Tapos may dalawa po akong compositions do’n.

      

“So, parang… sobrang saya lang po ng feeling. Kasi finally, heto na nga yung album ko!”

      

BIRTHDAY CONCERT. Bukod sa kanyang album, magkakaroon din si Julie Anne ng concert na itataon sa birthday niya on May 17 na labis din niyang ikinae-excite.

“Opo, tuloy po yung concert ko. Pero sa ngayon, pinagpaplanuhan pa po naming mabuti ang tungkol dito. 

“Kaya wala pa po akong masyadong detalyeng masasabi.”

      

Sinu-sino kaya ang mga magiging special guests sa kanyang birthday concert?

      

“Wala pa po, e. Hindi ko pa po alam.

      

“And I can’t spoil it yet. Basta surprise!”

       

LAUNCHING MOVIE. Kumusta naman ang shooting ng Just One Summer, ang launching movie ng loveteam nila ni Elmo Magalona?

       

“Okey naman po. Ongoing pa rin yung shooting namin.

      

“And parang nakaka-excite na kahit hindi pa namin tapos i-shoot yung movie, meron nang plug nito na ini-ere ang GMA.

       

“Kahit nga po ako sa sarili ko, I admit na ano…  parang ako rin nae-excite ako dahil kahit hindi pa tapos, parang gusto ko nang panoorin agad!

         

“Kasi I’m sure talaga na maganda yung pelikula.”

        

Sa pagdaan ng mga araw na magkatrabaho sila ni Elmo, ano yung mga bagong nadiskubre niya tungkol sa young actor?

        

“Ano po, masaya talagang katrabaho si Elmo. Actually, ever since naman.

       

“And medyo madaldal siya!” tawa ng young actress. “Madaldal pala siya!

       

“’Tapos yun, he has a lot of stories.”

       

May nararamdaman ba siyang pressure habang ginagawa ang kanilang launching film?

       

“Ako, hindi naman po ako napi-pressure. Basta nag-i-enjoy lang po ako habang nagsu-shoot kami," sabi ni Julie Anne.

        

Hindi siya nakakaramdam ng kaba na dahil unang pelikula nila ito ni Elmo, kailangang maganda ang maging resulta nito sa box-office kapag ipinalabas na?

       

“Sana nga po,” nangiting sabi na lang niya.

      

DIFFICULT SCENES. So far, ano yung masasabi niyang mahirap na mga eksena na nakunan na?

      

“Actually, yung isa sa pinakamahirap na scenes namin talaga, first time po naming magpaligo ng kalabaw!” tawa ulit ni Julie Anne.

       

“’Tapos yun… yung ibang mahihirap na scenes ko, siguro yung mga eksena namin together with Tita Glo [Gloria Romero], with Kuya Buboy [Garrovillo], yung kay Miss Cherry Pie [Picache], Sir Joel [Torre].

      

“So, siyempre po, natututo rin naman kami sa kanila.”

      

Unang nakilala si Julie Anne bilang isang mahusay na singer, challenge ba sa kanya ang unang niyang pagsabak sa pelikula?

      

“Siyempre po kasi do’n sa movie, the whole time, we’re acting.

      

“’Tapos dito po siyempre sa Party Pilipinas, ah… more on production numbers. 'Tapos we have to sing live.

       

“Para po mapaganda yung mga scenes, as in kahit na ano… kapag hindi maganda yung kinalabasan, we need to do it again.

       

“’Tapos siyempre, first movie po nga namin ito together, so kailangan talaga naming pagandahin at paghandaan," saad niya.

        

CAREER CHOICE. Alin ang masasabi niyang mas mahirap para sa kanya—ang pagkanta o pag-arte?

       

“Kasi po ako, no’ng bata pa po ako, parang medyo nag-a-acting-acting na rin kasi po ako noon. 

“So, ngayon po kasi, iba po talaga kasi kapag movie.

       

“Since movie ito na sa big screen talaga, parang kailangan nating pagmukhaing natural talaga.”

      

Kadalasan sa mga nagiging magka-loveteam ay nade-develop at totohanang nai-in love sa isa’t isa.  

Nakikita ba niya na posible din ito sa kaso nila ni Elmo?

       

“Ay, hindi naman po!” nangiting sabi ni Julie Anne.

       

“Hindi naman po!

       

“Kasi po talaga kami, focused po talaga kasi kami sa trabaho. 

“At do’n  n’yo masusukat ang pagiging professional namin.”