news

Gabby Concepcion on working with Piolo Pascual: “Okay lang naman sa akin, trabaho lang, e, walang personalan, di ba?"

by Rommel Gonzales posted on April 17, 2012  STATS: 17431 Views | 26 Comments

Gabby Concepcion, as a father to KC Concepcion, admits to being hurt after the controversial breakup of his daughter with Piolo Pascual. He says that it's an experience in a relationship one has to go through to "live and learn." In the case of KC, Gabby says: “Ano 'yan e, ang nangyari kasi sa kanila is personal, na kung anuman yung dahilan e, wala naman tayo dun."

Photo By: Noel Orsal

Papayag si Gabby Concepcion na makatrabaho si Piolo Pascual.

Sa kabila ng breakup ni Piolo at ng anak ni Gabby na si KC Concepcion, walang nakikitang masama si Gabby kung makakasama niya sa isang proyekto si Piolo.

“Dati ko pang… noon, noong wala pa sila ni KC, sabi ko, ‘It would be nice na gumawa kami ng [movie]…’

“Kasi nasa Star Magic din ako noon, meron akong idea na maganda… sana na magsama-sama yung mga boys sa pelikula, sa Star Magic.

“Si Piolo, kasama si Diether Ocampo. May time na naging close kasi ako sa kanila, e... sina John Lloyd [Cruz], si Coco [Martin],” pahayag ni Gabby.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa presscon ng The Mommy Returns ng Regal Entertainment Inc. sa Emperor Room ng Imperial Hotel sa Quezon City, kagabi, April 16.

PROJECT WITH PIOLO. Pagkatapos ng nangyari kina KC at Piolo, payag pa rin ba si Gabby to work with Piolo?

“Okay lang naman sa akin, trabaho lang, e, walang personalan, ‘di ba?

“Ang sa akin lang is yung project.

“Kung may project sana na puwedeng gawin na ganoon, at least yung kakaiba siya.”

Kaya rin ba niyang makaharap at makasama si Piolo sa kabila ng mga nangyari?

“Ano 'yan, e, ang nangyari kasi sa kanila is personal, na kung anuman yung dahilan, e, wala naman tayo dun.

“Ang akin lang, nasaktan lang yung bata.

“But everybody goes through a relationship na nasasaktan ka.

“Sabi nga, ‘You live and learn.’ After that, life goes on.”

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

26 Comments

  • 26  JeepneyDriver

    04/19/2012 | 05:24 AM
    Naku..kilig nanaman si Papa P kay Gabby...palagay ko siya talaga gusto ni Piolo hindi yung anaka niya..bwahahaha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  zabeth58

    04/18/2012 | 06:40 PM
    the truth is gabby had already been in the same situation before but of failed marriage with sharon. good for piolo and kc wherein it did not reach this far. who is at fault and whatever is the reason behind the break up, gabby has nothing to do but to understand the situation...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  angelafrica18

    04/18/2012 | 05:44 PM
    at least hindi bitter ang tatay di tulad ng anak. please pakituruan magmove on ang anak mo. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  bacobaco

    04/18/2012 | 01:31 PM
    nonsense at isang malaking ECHOS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  agusanonko

    04/18/2012 | 09:21 AM
    guapo mo gabby walang kupas..sana mgconcert ka nmn d2 amin..cgurado maraming mawe windang dahil halos mga girlash d2 ay kapanahunan mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  milomilo123

    04/18/2012 | 06:47 AM
    magkasama ang ex future father in law at ang ex future daugther in law.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  cinelamour

    04/18/2012 | 06:20 AM
    baka magkalat ulit si sharon sa twitter. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  Speed_OfLight

    04/18/2012 | 04:59 AM
    halatang di na naman nag basa ng article ang mga fantards ng GayBS-CBN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  Speed_OfLight

    04/18/2012 | 04:57 AM
    Nasaan sa article na "BUMALIK" ng abs-cbn si Gabby?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  streetsmart

    04/18/2012 | 01:08 AM
    i like gabby's attitude, hindi naman niya dapat personalin si piolo, hindi naman nga siya nakarelasyon nito. kagaya rin ni sharon at kc, inistima ng maige si jenny syquia na grabeng nakasamaan ng loob ni gabby noon, hindi rin naman pinersonal nila kc at sharon si jenny di ba, at hindi naman minasama ni gabby yun. past is past na dapat. life goes on.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  lhes2004

    04/18/2012 | 12:24 AM
    BUMALIK Siya sa abs-cbn dahil aminin man nya or kahit na sino,mas malaki ang chance na sumikat siya uli kung nsa abs siya.sa tv5 mag sunod2x man ang mga project niya pero parang hindi pa rin siya nag eexist! paano wala nmn kasing nanunuod dun! kun meron man iilan lang! kaya halos lahat ng mga artistang nasa tv5 hindi kilala! at naging LAOS!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  lhes2004

    04/18/2012 | 12:19 AM
    VERY WELL SAID GABBY!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  Monicafer

    04/17/2012 | 11:09 PM
    It's Gabby decision to work in the project. Sa ibang ama o ina, kapag ang anak ay nasaktan at umiyak sa harap ng mga tao, hinding-hindi eto mapapalampas. Maaaring pagkatapos ng ilang panahon pwede pang makalimutan pero hindi sa loob ng isa o dalawang taon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  pearl102

    04/17/2012 | 10:40 PM
    Ang tanong, gaano kalaki ang pagmamahal ng isang AMAng katulad ni Gabby kay KC eh hindi naman sa kanya lumaki ito?? Kung tutuusin parang DONOR lang siya sa pagiging HUMAN ng kanyang mga BIO children. No financial support at ni hindi nya nakitang nagsilaki ang mga ito Hindi rin nila carry ang last name nito LEGALLY...ginagamit lang as screen name.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  expression

    04/17/2012 | 10:08 PM
    gabby is right. grabe ang gwapo pa rin niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  wa2

    04/17/2012 | 09:20 PM
    napa tili ako ng makita ko sya sa summer station ng kapamilya,salmat at bumalik kana
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  pearl102

    04/17/2012 | 08:52 PM
    Siempre naman trabaho lang talaga para kay Gabby...mahina pa rin kasi ang real estate market sa California eh. Si Sharon naman dami ng pera iyan...kayang tanggihan ang nanakit sa puso ng kanyang ANAK na siya mismo ang nagpalaki.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gopinoy

    04/17/2012 | 08:45 PM
    tama gabby..at saka talagang personal na nila kc at papa p yun wala naman ibang aayos nun kundi silang 2 rin.. at contrary to what many people say, piolo was also hurt with everything that happened to them. di lng naman one way ang isang relasyon it always takes two to tango. pinili ng pamilya ni piolo manahimik kahit na di na rin napigilan ni inigo ang magsalita. in the end, everyone has to move on. kung yung 25 yrs nang mag asawa nagkakahiwalay pa eh di ba what is the big deal with kc? feeling naman ni sharon perfect ang anak nya at sya. to stoop down to bashers' level eh di ko talaga like ang ginawa ni sharon. too low.ok lng tulad ni anabelle rama ar least she knows who she is dealing with eh si sharon?sino ang kaaway nya?wlang mukha di ba so it cud be anyone.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • southerngirl1

    04/17/2012 | 08:36 PM
    Mas gusto ko ang attitude ni Gabby kaysa kay Sharon. Mas understanding siya sa situation.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • malaya2007

    04/17/2012 | 08:18 PM
    mabuti pa sya malawak ang pang-unawa unlike yung ex nya. Bf gf pa lang naman di pa ma-asawa, kung yun ngang mag-asawa naghihiwalay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About