[x]

Ruffa Gutierrez on dad Eddie Gutierrez being dragged to Annabelle Rama-Amalia Fuentes tiff: he doesn’t deserve this. He’s the best dad that anyone can ever have. I cannot allow anyone to ruin his reputation. Hindi na bale mommy ko, kaya naman niya. She’s a fighter. Ako marami na akong pinagdaanan sa buhay ko. But for us, don’t talk about our dad, kasi he’s one person na talagang mabait, walang tinatapakang tao, and he has honor and dignity. So sana they would keep him out of this as well."

Photo: Noel Orsal / Melo Balingit

Inusisa rin ng media si Ruffa tungkol sa kanyang nakakaintrigang tweets kung saan may pinapasaringan siyang “old, fat, smelly woman.”

Ito ang magkakasunod na tweets ni Ruffa sa kanyang personal Twitter account noong April 14:

Who is this old, fat, smelly woman who won't stop inventing false stories about me & my family? SHUT UP & get a life! Don't involve me!

 

Dude ur 80 yrs old. Make the most of your remaining yrs on this earth. You're own family is sick to their stomach with ur nasty attitude!

 

What's really pathetic is that her only child & grandchildren are well-loved while she's the most hated. Will pray for u nalang old woman.

Depensa ni Ruffa sa sarili: “No, I was just venting that day because nga I heard things, nasty things being said about my children—all these terrible, horrible stories.

“You know, they’re very young—they’re seven and eight years old—and I don’t think na dapat idinadamay pa ‘to sa mga ganitong problema.

“So, alam siguro ng ibang mga reporter na nakarinig na emotional din ako, di ba?

“Huwag naman sanang madamay yung mga bata,” at dito na nga nagsimulang maiyak si Ruffa.

Ano ba ang istoryang ito na aniya’y inimbento lamang?

“Yun yung sinabi niya na nangangak daw ako kay Lorin na may kakambal si Lorin.

“And then mukhang pera mommy ko, ibinenta daw ni Mommy yung isang bata.

“I mean, how can you invent these stories, di ba?” tumutulo na ang luhang sabi ni Ruffa.

Dagdag pa niya, “Alam naman ng mga tao, na kasama ko yung mga kaibigan ko, na hindi naman ako nanganak nang kambal!

“I was laughing nga, e. I was laughing and laughing.

“But you know… how can a human being like invent such things? Where do they get these? Di ba?

“So, siyempre, I got sad and I got emotional. Ba’t pati ako idinadamay?