[x]

Ruffa Gutierrez on dad Eddie Gutierrez being dragged to Annabelle Rama-Amalia Fuentes tiff: he doesn’t deserve this. He’s the best dad that anyone can ever have. I cannot allow anyone to ruin his reputation. Hindi na bale mommy ko, kaya naman niya. She’s a fighter. Ako marami na akong pinagdaanan sa buhay ko. But for us, don’t talk about our dad, kasi he’s one person na talagang mabait, walang tinatapakang tao, and he has honor and dignity. So sana they would keep him out of this as well."

Photo: Noel Orsal / Melo Balingit

Gumaganap bilang ina ni Ruffa Gutierrez sa pelikulang The Mommy Returns ang dating Miss Universe na si Gloria Diaz.

Interestingly, nasangkot ang pangalan ni Gloria sa alitan ng tunay na ina ni Ruffa na si Annabelle Rama at ng dating movie queen na si Amalia Fuentes.

Kaya naman tinanong ng press si Ruffa sa presscon ng The Mommy Returns kagabi, April 16, kung kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Gloria.

Kuwento ni Ruffa, “I enjoyed the most ‘pag off-cam, kasi tsikahan lang kami nang tsikahan ni Tita Gloria.

“And we talk about so many things and I’ve learned so much from her in terms of advice, in terms of love, life, children, men...

“Never ending yung mga kuwento namin. So I always enjoy working with her.”

TOTAL MISUNDERSTANDING. Ano naman ang pakiramdam ni Ruffa sa pagkakadawit ni Gloria sa alitan ng kanyang mommy at ni Amalia?

“It was just a total misunderstanding,” diin ng dati ring beauty queen.

“I already explained it to my mom. And my mom is very impulsive, you know her naman.

“And you know, the most important thing is nag-usap na kami ni Tita Gloria, nag-usap na kami ni Georgina, ni Isabelle, and Raymond also. And everything is okay na."

Malapit na kaibigan ni Ruffa at ng kapatid niyang si Raymond Gutierrez ang anak ni Gloria na si Isabelle Daza at ang pamangkin nitong si Georgina Wilson.

Dagdag pa ni Ruffa, “And kumbaga, she [Gloria] she was the bearer of the phone call, the bad news.

“E, wala naman siya alam sa talagang sinabi sa Daddy ko.”

THE SCENE AT THE RESTAURANT. Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang insidente sa isang restaurant kunsaan ipinasa ni Gloria ang telepono sa ama ni Ruffa na si Eddie Gutierrez.

Ang nasa kabilang linya ng telepono ay si Amalia—na kagalit naman ng ina ni Ruffa na si Annabelle.