[x]

John “Sweet” Lapus and co-host Rufa Mae Quinto have had memorable repartees in Showbiz Central. With Rufa Mae's resignation, fans will surely miss this funny word-sparring scenes with Sweet. Sweet is quick to admit: “Mabuti na lang may Jennylyn [Mercado] pa rin, na may makakabatuhan pa rin ako.”

Photo: Noel Orsal

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang comedian/host na si John “Sweet” Lapus kagabi, April 16, sa presscon ng The Mommy Returns ng Regal Entertainment Inc. sa Emperor Room ng Imperial Suites sa Quezon City.

Ang una naming itinanong kay Sweet ay kung ano ang naging damdamin niya sa pagre-resign ni Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central na kanyang co-host.

(CLICK HERE to read related story.)

“Siyempre nalungkot ako,” sagot ni Sweet.

Wala raw siyang kaalam-alam tungkol sa naging desisyon ni Rufa Mae.

Kuwento ni Sweet, “Pagdating ko na lang dun nalaman.

“Apparently, hindi ko siya pina-follow pa sa Twitter so hindi ko namo-monitor.

“So yung mga staff lang yung nagtanong sa akin, pagdating ko kahapon ng afternoon sa studio ng Showbiz Central, na kung may alam ba daw ako.

“Sabi ko, ‘Wala talaga akong alam.’

“So I asked our executive producer, so maski rin siya, nagulat.

“And nung in-interview naman namin siya at valid naman yung reason na…

“She’s been working for the past eleven years every Sunday, which is supposed to be a family day and at the same time, church day.

“E, parang napapagod na daw siya and other than that, she will be very busy kasi doing three movies yata nang sabay-sabay…

“So parang Sunday should be a day off for herself na makakasama niya yung family niya—and God.

“I think that’s the idea.”