[x]

In an exclusive interview, Amalia Fuentes tells PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) that the mere presence of talent manager Annabelle Rama at the memorial mass for Joey Stevens, Amalia's husband, intensified the former movie queen’s distress.

Photo: Noel Orsal

Hindi ang pulang damit ni Annabelle Rama ang rason kung bakit nagkaroon ng eksena sa huling misa para sa asawa ni Amalia Fuentes na si Joey Stevens noong April 3.

Ito ang tinuran ng dating movie queen sa exclusive interview nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 11. 

Ngayon lamang inilabas ang kabuuan ng halos isang oras na panayam ng managing editor ng site na si Karen Pagsolingan dahil na rin sa pakiusap ni Amalia na antayin ang kanyang permiso.

Ang panimula ni Amalia, “The dress aggravated my feelings."

Matatandaan na noong Abril 3 ay nailahad ang bersiyon ni Annabelle tungkol sa naging sagutan nila ng dating kaibigan sa Santuario de San Antonio, Forbes Park.

Ayon sa talent manager, hindi naman daw niya intensiyon na pumunta sa naturang misa dahil “may ka-meeting” siya sa Rustan’s, na katabi lamang ng simbahan.

Kuwento pa ng maybahay ni Eddie Gutierrez, “Nagmimisa pa, pumasok ako. Nilapitan niya [Amalia] ako, sabi niya, ‘Bakit ka naka-red? Lumayas ka dito!’

"Orange ang suot ko, ‘Dong!”

(CLICK HERE for related article.)


NOT THE DRESS. Pero binigyang-diin ni Amalia na hindi siya ganun "kababaw" para paalisin ang isang tao sa burol ng kanyang asawa nang dahil lamang sa kulay ng damit.

“You must remember that I am feeling guilty about Joey. So, I was so sensitive about many things.

“Most of all, ‘wag mong bastusin ang asawa kong patay na. I am here to defend and protect him now.

“Pero ‘yong color is an aggravating factor.

  

“That orange is red, and ‘yong picture niya na three-fourths ‘yong damit niya, it's parang polo shirt na pula.

“You know, si Annabelle Rama, kaya laging napapahiya kasi pumapasok siya sa mga eksena na hindi niya alam.

“'Tapos ngayon, pinapalusutan niya ako na orange [yung] red,  as if it matters!

“Kung sa color ‘yan, kahit naka-all black siya siguro... it is her presence, can you please establish that.