news

Marian Rivera airs side on reported feud with Katrina Halili: "Ang punto ko talaga, pinaglilihian niya ako.”

by Glen P. Sibonga posted on April 18, 2012  STATS: 252218 Views | 827 Comments

“Tutal ako naman yung nakakaintindi, ako naman yung mas malawak ang pag-iisip sa ngayon, e, ako na lang ang iintindi dahil ang daming nangyayari sa buhay ko na magaganda para patulan ko ang wala namang isyu talaga," says Marian Rivera about Katrina Halili's tweets that may pertain to her.

Photo By: Glen P. Sibonga

Pagkatapos lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang diumano’y muling namumuong alitan sa pagitan ng My Beloved co-stars na sina Marian Rivera at Katrina Halili, nagbigay na ng pahayag si Marian tungkol sa isyu.

“To be honest, maayos ako sa taping, nagtatrabaho ako nang maayos.

“Masaya kami ng staff and crew and especially ng direktor [Dominic Zapata] namin diyan.

“Ako, lumalapit ako kay Katrina para mag-hi sa kanya. Wala naman akong nakikitang… wala, masaya lang ako sa taping.

“Like tomorrow [April 18], magkikita kaming dalawa, so wala akong nakikitang masama na lumapit ulit ako sa kanya at mag-hi ako sa kanya,” saad ni Marian.

Nakausap ng PEP at ng iba pang press si Marian sa shoot ng music video ng singing group na Down To Mars, kung saan special guest ang Kapuso Primetime Queen. Naganap ito sa Revolver Studios sa Makati City kagabi, Abril 17.

Nagsimula ang isyu sa sunud-sunod na tweets ni Katrina sa Twitter tungkol sa isang taong “nai-insecure pa din” daw sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Sinabi pa niyang “alam mo na 5yrs ago. Nangyari na to” pero hanggang ngayon daw ay “hate” pa rin siya nito.

Buntis si Katrina ngayon sa kanilang anak ng boyfriend niya at singer na si Kris Lawrence.

Pati nga ang kundisyon niya ngayon ay isinama pa ni Katrina sa kanyang tweet na: “Naguguluhan Lang kasi talaga ako Sino ba ang buntis samen. Sya? O ako?”

Bagamat hindi nagbanggit ng pangalan si Katrina, may mga insidente at detalye sa kanyang tweets na tumutukoy kay Marian.

Gaya na lang ng “alam mo na 5yrs ago. Nangyari na to”—na kung matatandaan ay panahon kung kailan ipinalabas ang Marimar, na unang pinagsamahan ng dalawang aktres.

Nabalita noon ang pagkakaroon ng alitan ng dalawa, pero naayos din nang magtapos ang show nila.

Pero ngayon nga ay tila nauulit daw ito.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

827 Comments

  • 207  pearl102

    04/18/2012 | 11:28 AM
    197 MoonDance 04/18/2012 | 11:22 AM Kahapon sa Stop Talk and Listen TV show nina Say Alonzo at June Lalin,------------ay nagpa plug in ka dito ng show na iyan??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 206  lucky7

    04/18/2012 | 11:28 AM
    "darating ang araw makakahanap rin ng kapwa bully itong si marian". sobrang oa mo naman, lol, ang corny, parang linya ng movie ni sharon nung payat pa sya. baka bukas luluhod ang mga tala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 205  Speed_OfLight

    04/18/2012 | 11:28 AM
    192 ratedsardines 04/18/2012 | 11:15 AM Darating ang araw , makakahanap din ng kapwa BULLY itong si Marian para tapatan. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ musta pag-lalako mo ng libreng passes para sa starcinema?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 204  rui

    04/18/2012 | 11:27 AM
    i love marian, sobra sobra na nga ang blessing sa kanya....tignan nu lahat ng mga umaaway at mga insecure sa kanya asan na sila, ito nmn buntis na ito, pampam.....ayusin mo na lng buhay mo para nde ma careless whisper....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 203  etoako

    04/18/2012 | 11:24 AM
    RATEDSARDINES...hahaha yun lang daw ang nasabi ko sa comment mong makakahanap ng katapat si Marian...KAMO ANG MABUTING TAONG TULAD NI MARIAN BALANG ARAW TITINGALAIN MO RIN...hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 202  MissHugoBacungan

    04/18/2012 | 11:23 AM
    ON TOP OF THE WORLD. Sizzling hot. Stunning. Gorgeous. Marian Rivera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 201  Bambinapilipina

    04/18/2012 | 11:22 AM
    As if kong may pagkasanta si Katrina, huwag na ka sing gambit in ang paglilihi excuse... Asan na ba si careless whisper?!.... Hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 200  pearl102

    04/18/2012 | 11:22 AM
    192 ratedsardines 04/18/2012 | 11:15 AM Darating ang araw , makakahanap din ng kapwa BULLY itong si Marian para tapatan. Hindi habang buhay ay kayang kaya mong manapak ng karapatan ng ibang tao dahil sa pakiwari sa sariling mas angat sya sa iba. May Karmang darating sa buhay upang turuan sya ng mahalagang leksyon ng pagpapakumbaba.-----------------------Anong darating ang araw na makakahanap din si Marian ng kapwa nya BULLY eh ...simulat sapul na nagstart siya eh nandiyan na kayong mga BULLY kayo!! Lunch time na ba sa Pinas...kasi nandito na naman itong isang BULLY na ito!! Hala maglalabasan na yung ibang UN niyan bwahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 199  MoonDance

    04/18/2012 | 11:22 AM
    Kahapon sa Stop Talk and Listen TV show nina Say Alonzo at June Lalin, me scoop si Say Alonzo about Marian and Dingdong always fighting at their Rockwell Condo to the point that some neighbors are already complaining and irritated of Marians high pitched shouting always. Parang palengkera talaga and Dingdong always saying STOP shouting, Be Quiet hahaha.... Pero si Manang Marian still continue to shout. wow Breeding galore ha..... Rockwell condo pala? tune in everyday sa STL for more scoop.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 198  bacobaco

    04/18/2012 | 11:21 AM
    MARIAN RIVERA MADE A VERY WISE DECISIONS TO BE QUITE AND STAY RELAX THUMBS UP AKO SHE UNDERSTAND THE SITUATION NI KATRINA HALILI. ON THE OTHER HAND I JUST LIKE LOVE KATRINA HALILI ONE OF THE FINEST BEST KONTRABIDA EVER PRODUCE IN PIHILIPPINE MOVIE TV WORLD CONGRATULATIONS TO GMA 7 NETWORK
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 197  etoako

    04/18/2012 | 11:21 AM
    MARIKINARIVER...si bela hayun balitang-balita ang pagiging maldita nya sa set ng "HIRAM NA PUSO" kinaiinisan daw ng lahat ng tao sa set feeling daw nya sya bida...hahaha...asan na ba sya ngayon kahit naghubad-hubad sa FHM at gumawa pa ng isyu flop pa rin ang benta ng FHM kung saan sya ang cover at until now hindi pa rin sya kilala at mananatiling starlet...hahaha...AND SPEAKING OF HEART, hayun damayan mo dahil hiwalay na ata sa dyowa nya at naghahanap na naman daw ng bagong lalaki SI HEART NA MAGPAPAMISA DAW SA LAHAT NG SIMBAHAN PAGPINAKASALAN NI DINGDONG SI MARIAN aba dapat sya ang magpamisa kasi NAHIWALAY NA SYA SA DYOWA NYA AT MADADAGDAGAN NA NAMAN ANG COLLECTION NYA NG "BOY TOY" nya hahaha...kadiri...eeewww! NOW BULAG KA KUNG HINDI MO PA MAREALIZE KUNG SINO ANG TALAGANG MGA WALANGHIYA AT MALDITA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 196  pearl102

    04/18/2012 | 11:18 AM
    Hayy out na nga muna ako....HUMANDYNAMICS, goodluck na lang sa IDOL mong si RUFFA MAE HA!! Sana this time ay makapagpakasal na siya or kung hindi naman irereto ko na lang siya sa aking mga friends na mga law enforcement dito sa area namin...mga guapo day kaya lang high maintenance si Ruffa baka hindi nila maafford ito! Either way goodluck...sana magkaroon pa uli siya ng shows...like na like ko pa naman siya sa Dyesebel noon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 195  MissHugoBacungan

    04/18/2012 | 11:15 AM
    SOARING HIGH. Marian inspire a lot of youth in the country for she not only had completed her university course in flying colours, she is also the most beautiful and the most admired actress of the present times among local actresses.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 194  ratedsardines

    04/18/2012 | 11:15 AM
    Darating ang araw , makakahanap din ng kapwa BULLY itong si Marian para tapatan. Hindi habang buhay ay kayang kaya mong manapak ng karapatan ng ibang tao dahil sa pakiwari sa sariling mas angat sya sa iba. May Karmang darating sa buhay upang turuan sya ng mahalagang leksyon ng pagpapakumbaba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 193  blueberry_kiz

    04/18/2012 | 11:12 AM
    i love marian rivera talaga! if ever mabuntis ako, siya rin talaga ang paglilihian ko. ang ganda siguro ng baby ko!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 192  ratedsardines

    04/18/2012 | 11:10 AM
    Ang LASWA ng pagkaretoke ng dibdib ni Marian. Hindi proportion sa maliit at payat nyang pangangatawan. Ibalik nya na lang yan sa duktor na gumawa sa kanya. BDW. mukhang nagtagumpay ang GMA na ilihis ang Issue ng pambubully na naman nitong Annabelle Rama Jr. kay Katrina . at ibinaling or should I say isinisi pa sa kanyang walang kamalay malay na sanggol sa kanyang sinapupunan. Galing talaga ng kapuso network. Tama lang na dinaan ni Katrina sa tweets ang kanyang mga hinaing dahil alam naman nya na di sya papanigan ng istasyong nang iwan sa kanya nung panahon ng eskandalo kay Hayden at di sya binigyan ng trabaho at suporta. Tsk. Tsk.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 191  etoako

    04/18/2012 | 11:08 AM
    Nakakatuwa nga ang dami kong nakitang pics nila Marian at Dingdong kasama nila ang ibang casts at staff ng MY BELOVED ang saya-saya nila nagkakainan, nagtatawanan pero wala ata si Katrina Halinghing sa mga pics...well anyway KAYA NAMAN NG PUMUNTA NG CAMBODIA ANG DONGYAN pinasalubungan nila ang mga kasamahan nila sa show...TAPOS BALITA KO NGA NUNG MALL SHOW NILA SA DAVAO after nun nagkainan sila ang saya ng mga artistang nag-chikahan including Marian, Saab, Ynna, Alden, Dong PERO ANG KATRINA HALINGHING HINDI KA-JOIN saan kaya sya nung mga oras na yun samantalang andun sya sa mall show HINDI BA SYA BELONG sa grupo, bakit?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 190  manangdi

    04/18/2012 | 11:07 AM
    number 180, kasi nakaka HB naman ang mga posts na walang sense basta lang makapag bash, kahit nga basahin at intidihin ang article di pa magawa, gusto lang maka quota ng nega posts, hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 189  Manster10

    04/18/2012 | 11:07 AM
    kilalang kilala c Marian sikat na sikat nag iisang artista n marameng kaaway hehe at syay kapuso., prang nandun din ung racist na c Clavio wew.,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 188  MissHugoBacungan

    04/18/2012 | 11:06 AM
    PRECISE. Marian Rivera is an epitone of beauty and healthy well being and wisdom and kindness. What a GODDESS!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About