news

Marian Rivera airs side on reported feud with Katrina Halili: "Ang punto ko talaga, pinaglilihian niya ako.”

by Glen P. Sibonga posted on April 18, 2012  STATS: 252203 Views | 827 Comments

“Tutal ako naman yung nakakaintindi, ako naman yung mas malawak ang pag-iisip sa ngayon, e, ako na lang ang iintindi dahil ang daming nangyayari sa buhay ko na magaganda para patulan ko ang wala namang isyu talaga," says Marian Rivera about Katrina Halili's tweets that may pertain to her.

Photo By: Glen P. Sibonga

Pagkatapos lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang diumano’y muling namumuong alitan sa pagitan ng My Beloved co-stars na sina Marian Rivera at Katrina Halili, nagbigay na ng pahayag si Marian tungkol sa isyu.

“To be honest, maayos ako sa taping, nagtatrabaho ako nang maayos.

“Masaya kami ng staff and crew and especially ng direktor [Dominic Zapata] namin diyan.

“Ako, lumalapit ako kay Katrina para mag-hi sa kanya. Wala naman akong nakikitang… wala, masaya lang ako sa taping.

“Like tomorrow [April 18], magkikita kaming dalawa, so wala akong nakikitang masama na lumapit ulit ako sa kanya at mag-hi ako sa kanya,” saad ni Marian.

Nakausap ng PEP at ng iba pang press si Marian sa shoot ng music video ng singing group na Down To Mars, kung saan special guest ang Kapuso Primetime Queen. Naganap ito sa Revolver Studios sa Makati City kagabi, Abril 17.

Nagsimula ang isyu sa sunud-sunod na tweets ni Katrina sa Twitter tungkol sa isang taong “nai-insecure pa din” daw sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Sinabi pa niyang “alam mo na 5yrs ago. Nangyari na to” pero hanggang ngayon daw ay “hate” pa rin siya nito.

Buntis si Katrina ngayon sa kanilang anak ng boyfriend niya at singer na si Kris Lawrence.

Pati nga ang kundisyon niya ngayon ay isinama pa ni Katrina sa kanyang tweet na: “Naguguluhan Lang kasi talaga ako Sino ba ang buntis samen. Sya? O ako?”

Bagamat hindi nagbanggit ng pangalan si Katrina, may mga insidente at detalye sa kanyang tweets na tumutukoy kay Marian.

Gaya na lang ng “alam mo na 5yrs ago. Nangyari na to”—na kung matatandaan ay panahon kung kailan ipinalabas ang Marimar, na unang pinagsamahan ng dalawang aktres.

Nabalita noon ang pagkakaroon ng alitan ng dalawa, pero naayos din nang magtapos ang show nila.

Pero ngayon nga ay tila nauulit daw ito.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

827 Comments

  • 227  Speed_OfLight

    04/18/2012 | 11:55 AM
    220 jeanine89 04/18/2012 | 11:50 AM Obvious na nagbabait-baitan. Please, di bagay! ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ pag ikaw ang nag-babait-baitan, bagay?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 226  MissHugoBacungan

    04/18/2012 | 11:55 AM
    SPLENDID. Maganda ang outlook sa life ni Marian. Kaya naman makikita na maraming VERY GOOD karma sa kanya. Of course, yung mga naiinggit, siyempre gagawa ng ingay para makapanira lang. Pero dahil POSITIVE vibes talaga kay Marian, maganda ang turn of events. LAGIng placer sa top ten most tv programs ang programa niya. Kasama pa sa TOP 10 Most Beautiful Actresses in the World.!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 225  lucky7

    04/18/2012 | 11:55 AM
    kung gimik, e di it works, kasi na extend.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 224  lucky7

    04/18/2012 | 11:53 AM
    rated sardines, mali ka naman, dapat, "hail, the queen of heaven, the ocean star" , para sa Marian hymn. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 223  MissHugoBacungan

    04/18/2012 | 11:53 AM
    DAHIL EXTENDED ANG MY BELOVED, PARANG ISANG NAPAKALAKAS AT NAKAKABINGING SAMPAL ANG LATEST NEWS NA ITO SA MGA DETRACTORS NI MARIAN. As ever, ampalaya award na naman ang mga detractors ng Primetime Queen of All Seasons na si Marian Rivera. Imagine, extended ang My Beloved, kaya sobrang BUSY talaga ni Marian. To the max ang kaabalahan ng nag iisang Primetime Queen of All Seasons! We love you Marian!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 222  jeanine89

    04/18/2012 | 11:50 AM
    Obvious na nagbabait-baitan. Please, di bagay!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 221  etoako

    04/18/2012 | 11:49 AM
    RATEDSARDINES...BALANG-ARAW TITINGALAIN AT HAHALIK KA RIN SA TALAMPAKAN NI MARIAN...hihintayin ko yun araw na yun...HAHAHA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 220  Speed_OfLight

    04/18/2012 | 11:49 AM
    214 Daina66 04/18/2012 | 11:46 AM Pure gimmickry from GMA to get people to watch My Beloved. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ nasabi nya to dahil nanuod sya nung biyernes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 219  bac_tol

    04/18/2012 | 11:49 AM
    Ayan mga fans, nagsalita na idol nyo. Pakita nyo na talagang iniidolo nyo sya sa pamamagitan ng paggaya sa kanyang magandang halimbawa. At lalung lalo na, suportahan nyo ang kanyang mga teleserye at pelikula hane? hehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 218  pretty_yan22

    04/18/2012 | 11:48 AM
    lovin' this girl so much. so beautiful, so kind, so blessed. she's very unique in her own way. may God bless u more Marian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 217  etoako

    04/18/2012 | 11:47 AM
    RATEDSARDINES...ang sabihin mo ang MABUTING TAO NA MAY MABUTING KALOOBAN TULAD NI MARIAN BALANG-ARAW TITINGALAIN MO RIN AT SASAMBAHIN...hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 216  Daina66

    04/18/2012 | 11:46 AM
    Pure gimmickry from GMA to get people to watch My Beloved.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 215  kansilay

    04/18/2012 | 11:45 AM
    Go girl! KSP lng kasi si KH kaya nagpapansin! Asus ang ganda2x ng anak nya pg ikaw ang napaglihian nya! Wag lng tlaga sna manahin ng anak nya ung pagiging expert nya sa ACROBATIC! lolz...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 214  Max_08

    04/18/2012 | 11:45 AM
    Hinay2 lng mga Haters .. kahit ano pang sabihin natin . . may naipundar na c MR na mga properties .. Di naman tlga lahat perfect but the bottom line is .. she is working to earn and shes paying taxes para matulungan ang govt..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 213  ratedsardines

    04/18/2012 | 11:43 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 212  etoako

    04/18/2012 | 11:42 AM
    Sabi nga ni Clara Pastor sa isang article nya OKAY lang daw sana kung paglihian ni Katrina si Marian dahil tiyak sobrang ganda ng magiging anak niya. PERO ANG GUMAWA DAW NG MASAMANG STORY OR FALSE PARA LANG ILAGLAG SI MARIAN , HUWAG NAMAN DAW GANUN! Dahil maraming magpapatunay na mga tao sa paligid. At kung talaga daw hindi maganda ugali ni Marian matagal na panahon na sana syang lubog dahil laging may karma ang ginagawa natin kaso mo daw hindi naman andyan pa rin at namamayagpag...At isa pa daw kahit gaano kamahal ni Dingdong si Marian kung talagang masama ugali nito kahit sinong lalaki walang tatagal sa ganyang sitwasyon to think na 4 YEARS mahigit na sila...KAYA TIGILAN NA RAW ANG PANINIRA KAY MARIAN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 211  etoako

    04/18/2012 | 11:35 AM
    RATEDSARDINES...Sa totoo lang naman ang dami ng kasamahan ni Marian ang nagpapatunay rin kung gaano sya kabait at kagaling makisama in FACT NAPAKARAMI NILA KAYSA SA MGA BABAENG SUMISIRA SA KANYA pero dahil haters nga kayo hindi nyo tini-take yun dahil bilang haters ang gawain nyo eh ang i-absorb lang ang mga negatibong balita tungkol kay Marian...WELL FOR ME THAT'S FINE HINDI NAMAN KAYO MAGIGING HATERS KUNG HINDI NYO SYA IHE-HATE, right?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 210  Speed_OfLight

    04/18/2012 | 11:32 AM
    say alonso na bff ni heartless. ha ha Ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 209  etoako

    04/18/2012 | 11:30 AM
    RATEDSARDINES...TAKE THIS...sabi nga ni Dingdong sa Cosmo Mag ni Marian..."Kung sino sya before, nothing can change her, not fame, not the things that come with being a celebrity...SOBRANG PURE NG KANYANG SOUL. SHE REALLY ONLY HAS GOOD THINGS TO SAY ABOUT EVERYONE. IF THESE PEOPLE SAY OTHERWISE, THAT'S BECAUSE THEY OFFENDED HER, SOMEONE HAS DONE SOMETHING BAD TO HER and that's how she reacts."
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 208  bac_tol

    04/18/2012 | 11:29 AM
    Wow! Ang bait ni Marian! Ganyan dapat. Be civil. Ganda points ka pa ng lagay na yan. Sana gayahin ka ng mga fans mo. Wag na din nilang patulan si Katrina. Manuod na lang sila ng My Beloved para mag rate naman. hehe... Saka dapat mga pelikula mo sampung beses nilang panuorin para kumita naman ng bonggang bongga! haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About